Chapter 54

5.8K 140 47
                                    

Nakaupo kame sa sofa at ipinaliwanag nya sa akin kung ano ang sinabi sa kanya ni Lloyd, at kung paano nya nabuking na nagsisinungaling lang si Rica about sa issue na may anak silang dalawa. Sinabi din ni Rica na lalayo na sila ng anak nya, dahil tinakot daw ni Sol na ipapakulong ito dahil sa pagsisinungaling. Si Lloyd naman gagawa daw ng paraan para makita at makilala ang anak.

Hinawakan nya ang kamay ko at idinikit nya sa mga malalambot nyang labi. Bakit feeling ko ang sama sama ko, nadala kaagad ako ng galit ko. Hindi ko muna sya pinakinggan bago ako magwala.

Trust. Yun yung isa sa mga bagay kung bakit mapapatatag namin ang relasyon namin.

Happy dapat ako kase wala silang anak ni Rica, pero ang sakit na din kase ng mata ko.

Tiningnan ko sya ng masama. "Bakit nanaman?" Malambot ang tingin nya sa akin, na para bang ako yung pinakamahalaga sa kanya.

"Sumakit at namaga lang ang mata ko sa wala." Sabi ko.

Tumawa sya.

Kinuha ko ang muka nya at hinalikan ko sya, lahat ng emosyon na nararamdaman ko kanina nawala sa akin. Hindi muna sya kumilos, hanggang sa ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg nya. Umusod sya papalapit sa akin at hinawakan nya ang isa kong pisngi. Ang lambot talaga ng labi nya. Ng cartwheel ata ang puso ko.

Ng naghiwalay kame sa isa't isa hindi ko binitawan ang leeg nya at yumuko ako, haggang sa niyapos na nya ako at binaon ko ang ulo ka braso nya. nagstay kame ng ganon hanggang sa dumating si Lolo.

AFTER FOUR MONTHS

"Nagiihaw naman ako misis ko, mamaya mo na ako lambingin." Nakayapos kase ako sa likod nya.

Nasa sa isang beach kame sa Batanggas kasama ang mga kaibigan namin, kasama din sila Violet at Bella na muka naman nageenjoy. Summer trip ba.

"Wag ka ngang maarte, gusto mo naman." Tumawa sya at, nagtwist yung katawan nya sa kanan at hinalikan ang noo ko. "Luto na yan ah."

"Oo nga, eh wala pang kumukuha kaya nilagay ko muna dyan para pag may kumuha mainit pa." Kinuha ko yung mga bbq na nasa gilid ng ihawan at dinala kila Emma at Dan.

Ngumiti ako, lately parang mas lalong nagiging close si Emma at Dan. "Oh." Inabot ko sa kanila ang bbq. Nagpasalamat sila at nag tungo uli ako pabalik kay Sol. Hinawakan ko ang likod nya at napatingin sya sa akin habang kumakagat ng hotdog sa may stick, inalok nya ako. Kakagat na sana ako kaso nilayo nya at nilapit nya ang labi nya, kaya imbis na nakagat ko yung hotdog nahalikan ko sya.

Habang magkadikit ang labi nya, ngumiti ako at mas diniinan ko pa ang halik ko. Pagkatapos ay inabot ko yung hotdog at kinuha ko sa kanya.

Ng napanasin nya kung ano ang ginawa ko natawa lang sya at bumalik na uli sa pagiihaw. Nasa tabi nya pa rin ako, habang inuubos ko yung hotdog na kinuha ko sa kanya.

I was engaged to him before I was even born, and yet I still fell in love with him.

Kung alam ko na sya ang arranged marriage siguro iba anhg storya namin? Siguro mahihirapan kameng maging close sa isa't isa. Baka nga hindi pa namin magustuhan ang isa't isa.

Pero dahil mapaglaro ang ang tadhana, gumawa ito ng paraan. Nahulog kame sa isa't isa na kame mismo ang may gusto, hindi dahil engaged na kame sa isa't isa, dahil kame talaga ang nakatadhana.

Napagkasunduan ng pamilya namin, including ang side ni Papa, na maghihintay muna kame hanggang maka graduate kame at saka kame magpapakasal. Pagkatapos nun magtatayo kame ng sarili naming restaurant.

Oo nga pala, si Mama at si Lolo nagkaayos na. Si kuya naman nakasal na sa state, at uulitin dito sa Pinas para maka attend kame ni Lolo.

Magulo ang pagibig, mapaglaro ang tadhana, at maraming unexpected ang nangyayari. Naisip ko paminsan kung isa ba kameng puppet ni tadhana na kapag nakita nya na bagay ang dalawang tao ay gagawa ito ng isang storya. Isang storya na may happy ending or sad.

I think ang storya namin Sol ay happy ending. Dahil balak ko makasama sya habang buhay. Mahawakan ang kamay nya sa hirap at ginhawa.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora