Chapter 2

5.8K 112 7
                                    

Nagising ako ng maramdaman ko na parang nag-land na ang eroplanong sinasakyan ko, minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa bintana.

Inayos ko ang sarili ko at niyapos ko ang bag na bitbit ko sa eroplano, umunat-unat at saka ako napatingin sa katabi kong babae. Nginitian nya ako at ibinalik ko din sa kanya ang ngiting iyon.

"Ang sakit ng pwet ko, maigi na lang nakaland na ang eroplano," umunat din yung babae. "Ako nga pala si Hanna."

Inabot nya ang kamay nya sa akin at nagshake hand kame. "Meghan."

"First time?" Tanong nya habang inaayos nya ang buhok nya gamit ang kamay nya.

Tumango ako. "Ikaw?"

"It's my third times here, it's really fun in the Philippines. I wasn't born here you know. I was born in the state, but my mom brought me here one time and I really enjoyed it. How about you?" Kwento nya. Nagaantay pa kase kame pababain mula sa eroplano.

"Nope I was born in the Philippines but my parents decided to move to America when I was young." sabi ko sa kanya.

Nagumpisa ng magtayuan ang mga tao sa harap at likod namin ni Hanna kaya nakitayo na din kame. "Nice meeting you Meghan, I hope to see you around here in Manila."

"Yeah I hope so too, nice meeting you too." Nakalabas na ng inuupuan namin si Hanna, nginitian nya muna ako bago sya magpatuloy sa paglalakad.

Nakuha ko na ang gamit ko at nag lalakad na ako patungo sa may mga nagaantay na pamilya. Hinanap ko ang anak ni mang Marco at nakita ko ang isang lalakeng nakaputi at nakablack na pants na may hawak na sign na "Welcome Ms. Meghan."

Lumapit ako sa kanya at nginitian ko sya, pero parang nakabusangot sya at ng ngumiti sya sa akin ay para bang sapilitan ang ngiti nya. Hindi man lang nya kinuha yung mga gamit ko at naglakad na sya papalayo sa akin. Napabuntong hininga ako at sinundan na lang sya papalabas ng airport.

Tumigil sya sa isang puting kotse at binuksan nya ang trunk. Tiningnan ko sya at ibinigay ko sa kanya ang mga gamit ko, pagkatapos ay sumakay na ako sa likod ng car.

Pagsakay ko ay may lalake sa driver's seat. "And who are you?" Tanong ko dun sa driver.

"Ay ma'am ako nga po pala si Dan, kapatid ni Al at anak po ni Marco, yung dating driver po ng papa nyo." Tiningnan ko si Dan, at inaral ko ang muka nito. Napaka cute nya, charming din sya at yung ngiti nya parang pwede ng pang artista. Bumukas ang passengers seat at pumasok si Al na nakabusangot.

"Tara na Dan." Hindi man lang ako tiningnan ni Al, wala man lang syang sinabi sa akin at tumingin lang ng diretso.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon