Chapter 19: Sol's POV

3.2K 73 1
                                    

Kung ako ang tatanungin ang pinaka full of shit na love ay yung love at first sight. Kase paano mo mamahalin ang isang taong first time mo pa lang nakilala. 'Ni hindi mo pa nga alam kung ano name nyo or kung ano ang mga hilig nya. Mas lalong ayoko yung mga arrange marriage, kase yan sa isang tao ka lang nakatali, at dun pa sa taong pinili ng pamilya mo at hindi pinili ng puso mo.

Nung una kong makilala si Meghan may naramdaman ako sa puso ko, na para bang matagal ko na syang kilala na para bang matagal na syang inaantay ng puso ko. Kase sa lahat ng babaeng naging karelasyon ko, never kong nafeel na magreact ang puso ko sa kanila tulad ng pag react ng una kong matitigan ang muka ni Meghan.

Para bang may past kame na naka lock sa utak ko, I sense some familiarity towards her. Para bang comfortable ako sa tuwing inaasar ko sya, sa tuwing kinakausap ko sya. And the weird part is I don't get mad at her whenever she talk back to me.

Kahit sarili ko hindi din alam kung bakit nararamdaman ko ito towards her. Pero sa tuwing nakikita ko sya nagkakaroon ako ng urge kausapin sya or asarin sya, or makita lang yung muka nya. Basta gusto ko syang laging nakikita at nakakasama.

Yun nga lang masyado syang mailap, at parang may wall na nakaharang sa puso nya. Na kahit na anong gawin kong pagpapacute at pangungulit sa kanya parang wala pa rin nangyayari. Pero hindi ako susuko dahil nasa kanya ang sagot kung bakit ko nararamdaman ang mga bagay na to.

For sure hindi ko sya mahal o baka mali na ang iniisip ko sa nararamdaman ko pero mali pa din eh. Mali pa din na nararamdaman ko to sa kanya kase nga di ko naman sya gaano kakilala.

"Hoy, ano iniisip mo?" Kinalabit ako ni Llyod. "Dude, don't tell me you're thinking about her?"

"Her?" Patay malisya pa ako.

"Yeah her, Meghan? She's interesting isn't she?" Tiningnan ko sya ng mabilis. "I like her, ang tapang nya. She doesn't give a damn about anyone.and she doesn't back down on any of her bullies."

Tumingin ako sa malayo.

Kung may magugustuhan man ako sa babaeng yun, siguro yun yung hindi sya takot sa kahit na kanino at hindi sya nagba-back down sa kahit na sinong umaapi sa kanya at hindi sya takot sa akin, tulad ng ibang estudyante.

That's what I like about her, I guess.

"Sa tingin mo pre. sasagutin nya kaya ako kung ligawan ko sya?" Tiningnan ko si Llyod ng masama. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa mga sinasabi nya. "Compare naman sayo mas good boy ako."

Pinilit kong ngumiti sa sinabi nya, pero sa loob ko naiinis talaga ako sa mga sinasabi ni Lloyd. Oo goodboy nga sya pero sya yung type na pinaglalaruan yung mga feelings ng mga babae.

Lahat kase sila nafofall sa muka nya at sa mga kilos nya. Kaibigan ko si Lloyd pero nagsasabi lang ako ng totoo.

I can't let her fall in love with Lloyd, masasaktan lang sya sa huli.

"Marami namang iba jan bakit sya pa?" Tanong ko na lang kay Lloyd.

"Like I said she's interesting, and she's beautiful. Don't you think?" Tanong nya sa akin.

"She will never fall for you, and you know that." Ngumiti lang sya.

"We'll see." Tinapik nya ang likod ko.

I will protect her. I will protect her. I will protect her.

Paulit-ulit sinisigaw ng puso ko ang sentence na yan.

I will protect her no matter what. Even if I have to make her fall in love with me.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now