Chapter 13

3.1K 71 3
                                    

Paglabas namin sa office may muntik na akong mabangga, pero hinawakan nya ang magkabila kong braso.

"Sorry." Sabi ko.

"Sorry lang? Baka gusto mo i-hug mo din ako. Tutal naman yan ang mga laro nyong mga babae. Kunwari mababangga nyo kame tapos yun pala yayapos lang." Bigla nya akong niyapos. "Ano masarap ba?"

Tinulak ko sya pagkatapos ay sinuntok ko ang muka nya. Pag tingin ko ay nanlaki ang mga mata ko. Sya yun lalake sa mall, yung bastos at walang modo.

"You!?"

"Ikaw!?"

Sabay kaming sumigaw at napangiwi ako habang tinitingnan sya. Napahawak din ako sa braso ko na feeling ko ang nabali ang buti ko sa pagsuntok sa mayabang na lalake na ito.

"Talaga naman napaka kapal ng muka mo, akala mo kung sino ka." Sabi ko sa kanya. "Ni hindi nga kita kakilala."

"Did you just punch me?" Sabi nya habang hawak hawak nya yung panga nya.

"Why? Is it your first?" Pang aasar ko sa kanya.

"You... don't you know who I am?" Inirapan ko sya.

"Bakit ba sikat na sikat yang tanong na yan dito sa school na to? Ganyan ba kaimportate kung kilala namin kung sino kayo?" Sabi ko.

"Interesting." Ngumiti ngiti sya. Tapos ay tumawa sya ng mahina at dinilaan nya ang labi nya.

Oh my ang hot-hot nya, pero ang sama ng ugali sayang ang looks.

"Meghan." May biglang tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko nakatayo lang dun si Al na mukang inis na inis.

"Al!" Sigaw ni Emma sa tabi ko. Hinila ako ni Emma papalayo, pero yung tingin ko nakadikit pa din sa muka nung lalake at habang papaalis na kame ngumiti sya sa akin at sabay nag salute na may kasamang kindat.

Nakakainis talaga yung lalake na yun, akala mo kung sino syang artista, napaka yabang naman. Eh kung supalpalin ko kaya ang muka nun, tapos...Ughhh!!!

Nakatingin lang ako window habang nagmamaneho na pauwi si Al, at habang nakatingin sa window may nabasa ako sa isang billboard, ang sabi ay. "Two hearts that are destined to be together, will always find their way to each other."

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now