Chapter 24: Sol's POV

2.7K 54 0
                                    


Hindi na tinanong nila Lloyd kung bakit ko ginawa yun at kung bakit ko sinabi yung kay Bianca. Si Kris lang talaga ang nakakaalam ng tungkol sa audio, and kilala naman ako nila Lloyd kaya hindi na nila ako tinanong pa.

I dont regret what I did, and I know I didn't do anything wrong.

"Ok ka lang? Andito na sila Ron at Llyod." Sabi ni Kris sa akin.

Kinuha ko ang beer sa tabi ko at sinundan ko si Kris. Ng makita ko si Ron at Lloyd nag-hi five kame at naupo sa may patio.

"Sa tingin mo Magfi-fit in ako sa culinary class nyo?" Tanong ni Lloyd.

Tinitigan ko muna sya pagkatapos ay natawa ako. Nag-sip muna ako ng beer bago ko sya titigan uli.

"Bakit hindi. Kung hilig mo namang magluto bakit hindi." Sabi ko. "O baka naman si Meghan lang ang gusto mong puntahan duon."

Tumawa si Lloyd at ngumiti lang ako. "You got me man."

"What is with this girl?" Tanong ni Kris na may halong inis.

Alam kong naiinis si Kris dahil siguro naalala nya si Bianca, pero iba si Meghan kay Bianca.

"Are you guys talking about that new girl?" Nagtinginan kame ni Lloyd.

"Oo pre yun nga." Tumango-tango si Ron. "Maganda nga sya, may korte din ang katawan. Kaso hindi sya ang tipo kong babae."

"Thank God." Bulong ko.

Sa aming apat si Ron ang pinaka babaero at mahilig sa mas matanda pa sa kanya. Mas maigi daw kase yung mga mature na at may experience sa kama.

"May sinasabi ka Sol?" Tanong ni Lloyd.

"Wala naman." Sagot ko.

"Tulong!!!! Please tulungan nyo ako!" Nagkatinginan kameng apat.

Nanggagaling sa labas ang sigaw, at boses babae sya. Tumayo kameng apat at nagtungo sa may front gate, ng lumabas ako isang babae ang nanakbo habang tumitingin sya sa likod nya.

Bumangga ang babae sa akin at ng tumingin sya, nanlake ang mga mata ko.

Meghan.

"Tulungan nyo ako," mangiyak-ngiyak sya habang nakatingin sa akin. "Tulungan nyo ako please."

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now