Chapter 48

2.7K 51 1
                                    

Hindi ko kinausap si Sol habang pinagmamaneho nya ako pauwi, bwisit sya hindi nya kayang mahandle ang ex nyang mas wild pa sa tigre.

"Ang cool talaga ng misis ko..." hindi ko sya pinansin, "galit ka ba?" Tanong nya.

"Hmp." Nag pout ako at hindi pa rin sya pinansin.

Ng makauwi na ako, hindi ko na sya inantay na ipagbukas pa ako ng pinto. Pagkahinto talaga ng car ay saka ko binuksan ang pinto at umalis na.

"Meghan." Naabutan nya ako bago pa man ako makapasok sa may gate. Kinuha nya ang kamay ko at hindi ko pa rin sya tiningnan. "Uy kausapin mo naman ako. Wala naman yung halik na yun eh."

"Alam ko," sabi ko.

"Oh eh bakit ka galit?" Tiningnan ko na sya sa mata, kaso natatakpan ng bangs nya yung mga mata nya.

"Hindi naman ako galit, naiinis lang." Sabi ko.

Hinawakan ni Sol ang baba ko at iniharap nya ang muka ko sa kanya, pagkatapos ay unti unti nyang nilalapit ang muka nya sa akin. Pero hinarangan ko ang bibig ng kamay ko. Kumunot ang noo nya at tiningnan ang kamay ko sa labi nya, tapos tumaas ang isa nyang kilay.

"No kisses for you mister ko, hangga't hindi mo sinasabon yang labi mo." Tumawa sya kaya hinalkin ko na lang sya sa pisngi.

"Ang cute cute talaga magselos ng misis ko." Binitawan nya ako. "O sya ikaw ay pumasok na, I'll see you tomorrow." Tumango ako at pumasok sa loob habang patingin tingin ako kay Sol na nakatayo lang sa may car nya.

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant