Chapter 18

3.1K 75 3
                                    

"So Meghan, ano ang gusto mo sa isang lalake." Tanong nya. Tiningnan ko sya ng masama at ngumiti lang sya sa akin.

Ngumiti lang din ako. "Definitely not you. Can you please focus."

"I am focusing." Sabi nya habang nakatitig ng seryoso sa akin.

"Whatever. What's your favorite food?" Tanong ko sa kanya?

"What's yours?" Talagang binalik sa akin ang tanong.

I rolled my eyes and then I sigh. Suko na ako sa pakikipagusap sa lalakeng 'to. "Ano ba? Um... Korean food, pasta, and chicken."

Tumango-tango sya habang sinusulat nya yung mga sinasabi ko. "What about you?" Tanong ko.

"Anything that my mom cooks." Sabi nya na may halong lungkot sa mga mata nya. For that moment may iba akong nakita sa muka nya beside being a naughty Sol. I saw love, I saw a caring Sol, I saw a sad Sol. Pero bigla ding nawala, siguro naalala nya na kailangan pa naming tapusin yung papers namin.

"If you could travel the world where would you go?" Tanong nya.

"Paris, Gre..."

"The city of love. Dapat may kasama kang kasintahan dyan. Is this your way of saying that you're single?" Tumaas baba yung kilay nya na may halong nakakalokong ngiti.

Adik na talaga to.

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ko ang pagsagot ko. "Greece, South Korea, Japan and many more." Hindi man lang nya sinulat yung mga sinagot ko. "Ikaw, san mo gusto mo magpunta?"

"Kahit saan basta kasama kita." Hinataw ko sya sa braso. Tumawa sya ng malakas at nagtinginan tuloy ang mga classmates namin. "Ok ok I'll stop. Ang saya mo kasing asarin eh."

Iniripan ko sya. "Pwede ba sumagot ka na lang ng maayos." Tinitigan nya ako na may halong interest sa mga mata nya.

Ngumiti sya. "I want to go to Hong Kong Disneyland." Tumaas ang kilay ko.

"Ok, bakit?" Tanong ko.

Ngumiti lang sya. "Wala namang nakalagay sa question na 'why' diba? Ikaw ha getting to know na agad tayo."

"Ewan ko sayo, ang gulo mong kausap." Biglang nagring yung bell.

"Ok everyone, you may finish your interview questions tomorrow. Reminder to all kailangan nyong dalhin yung mga books na require sa class ko. Understand? In my class being prepared is very important so please do not forget to bring those books tomorrow." Sabi ng chef professor namin.

"Yes chef!" Sigaw naming lahat.

Pagkuha ko ng gamit ko at pagtingin ko sa tabi ko, wala na si Sol. Ang bilis naman umalis nun, nagmamadali lang ang peg ganern.

"Meg kamusta naman ang maging partner si Sol?" Tanong ni Emma nung papalabas na kame ng classroom.

"Ang swerte naman nitong scholar na to, sya pa talaga ang naging partner ni Sol." Sabi nung isang babaeng nakatambay sa locker nya dun sa kaibigan nya.

"Oo nga, nakita mo ba ginawa nya kanina. Hinataw nya yung braso ni Sol, I mean like if she wants to get expel that fast edi sana nag drop out na lang sya no." Sabi nung friend nung babae.

"At saka feeling close sila ni Sol, as if naman hahayaan sya ni Sol na maging close sila sa isa't isa." Sabi ng isa pang babae.

"Pero nakakapagtaka talaga na kinakausap at pinapansin sya ni Sol, it's so weird. I'm telling you that girl is probably a witch." Nanlaki ang mata ko sa inis habang nakatingin kay Emma.

Umiling-iling naman si Emma. "Tara na, inaantay na tayo nila Al at Dan." Hinila na ako papalayo ni Emma dun sa mga babaeng naggo-gossip. "Ok ka lang?"

Tumango na lang ako.

Nakita namin sila Al at Dan na nakaupo sa isnag lamesa, pumila naman kame ni Emma para kunin ang lunch namin.

Wow mukang pang-restaurant nag mga food dito. Grabe ang pag-plating.

Pinili ko yung Fettucini Alfredo because like I said sa interview namin ni Sol kanina, I love pasta.

Inantay ko si Emma makuha ang food nya bago kame magtungo kung nasaan sila Al at Dan. Habang papalakad kame, napansin ko sila Heather na nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Naghanap ako ng ibang way na dadaanan na hindi ko madadaanan ang table nila Heather, kaso waley choice. Duon lang talaga ang daanan para makupanta sa mesa nila Al.

"Tara." Sabi ni Emma. Nagumpisa na kameng maglakad at hindi ko inaalis ang tingin ko kay Heather, baka mamaya may gawing masama tong babae na to.

"Omg sila Sol!" May biglang sumigaw. Edi pati naman ako napatingin sa may pinto habang naglalakad. Hindi ko na namalayan na tumayo yung isang friend ni Heather tapos ay naramdaman ko na lang na may malamig na likido na tumutulo sa may dibdib ko.

"Oops I'm so clumsy." Tiningnan ko ang basang basa kong t-shirt, tapos tumingin ako dun sa babaeng nagtapon ng drink sa damit ko.

Ngumiti ako at ibinaba ko ang tray ko, napansin ko din na ngumiti sya kay Heather na parang bang sinasabi ay "Ang galing ko diba?"

Kinuha ko ang drink ko tapos ay binuhos ko sa may dibdib nya, tiningnan ko yung muka nya na nakanganga. Bago pa sya magreact kinuha ko yung drink nung isa nyang kasama pagkatapos ay ibinuhos ko sa ulo nya.

"Yahhh..." She didn't finish screaming as I throw the last drink in her face.

Tapos nginitian ko sya ng paloko. "Oops I'm so clumsy."

Ano akala nila mapapahiya ako sa ganon-ganon lang, saka kung gusto nila ng gulo hinding-hindi ko sila uurungan. Ako kase yung taong pag ginawan mo ng masama, ibibigay ko sayo ng triple or worse.

"You!" Dinuro nya ako.

"Sa susunod kase wag kang masyadong clumsy, nahahawa tuloy ako." Ngumiti ako bago ako umalis sa harap nya.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon