Chapter 39

2.5K 48 1
                                    

Ng maghalf time na halos lahat ng babae nagtakbuhan kung saan nakaupo ang team ng school namin. Yung iba may dalang tubig yung iba naman towel ang dala.

Nakatingin pa rin ako kay Sol na nanlilisik pa rin ang mata habang nakatayo kasama sila Lloyd.

"Emma meron ka bang tubig na hindi pa bukas?" Tanong ko.

Kinuha ni Emma ang bag nya at nilabas ang isang bottle ng tubig.

"Bayaran kita mamaya." Sabi ko sabay lakad papunta kay Sol, na hindi na nakatingin sa akin.

Ng makarating ako dun, hindi man lang ako hinarap ni Sol. Kinulbit ko sya pero naglakad sya papalayo sa akin. Ngumuso ako at sinundan sya.

"Sol!" Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin. Nagturn sya sa isang hallway na patungo sa boys locker room.

Tumakbo na ako para maabutan sya at ng maabutan ko sya, hinawakan ko ang braso nya at iniharap sya sa akin.

Ng makita nya ako sumimangot sya, pero ng makita nya yung bulaklak biglang nawala ang pagkasimangot nya.

"Ano bang problema mo?" Hindi sya nagsalita pero hinawakan nya ang parehas kong braso at hinila ako papalapit sa dibdib nya.

Lumakas nanaman ang tibok ng puso ko at nagliparan nanaman ang mala paroparo sa tiyan ko.

Dahil sa ginawa nya parang nawala ang ability kong gumalaw, hindi ko man lang magawa syang itulak.

"S-Sol?" Sabi ko.

"Saglit lang." Sabi nya. "Kahit saglit lang."

Ibinalik ko ang yakap nya at ipinikit ko ang mga mata ko. Amoy pawis sya at sobrang lagkit ng balat nya, pero may kaunti pa rin akong naamoy na pabango sa katawan nya.

"May problema ka ba Sol?" Humiwalay sya sa akin pagkatapos ay nagpout sya, pinigilan ko ang ngumiti at pisilin ang muka nya.

"Sino yun?" Tanong nya ng seryoso.

"Sino?" Sumimangot sya.

"Yung yumapos sayo? Sino yun?" Ngumiti ako. Nagseselos ba sya?

"Nagseselos ka?" Tumawa sya.

"Ako magseselos dun sa lalakeng yun? Psh." Pinanood ko lang sya habang tumatawa magisa.

Humiwalay ako sa kanya at nagumpisa ng maglakad palabas ng hallway.

"Saan ka pupunta?" Ngumiti ako.

"Uuwi na." Humarap ako sa kanya. "Magingat kayo sa pag uwi."

"Hindi ka na manonood?" Umiling ako.

"Sorry hindi na, tatawag pa sila mama eh." Sabi ko.

Niyaya ko ng umuwi sila Emma, dahil kailangan ko pa makipagusap kila mama. Napansin ko din na panay ang tingin sa akin ni Al.

Ng makauwi kame at natapos ko ng kausapin sila mama. Nagready na ako matulog, kaso bigla akong nakatanggap ng call galing sa isa mga basketball team nila Sol.

"Hello?" Sabi ko.

"Eto ba si Meghan?" Tanong nya.

"Oo, Sino to?" Tanong ko.

"Naospital sila Sol, naaksidente yung car na sinasakyan nila." Sabi nung nasa kabilang line.

"Ano!? Saang hospital sila?" Tanong ko habang natataranta akong kumuha ng hoodie.

"Itext ko na lang sayo." Pagkababa ng call nya ay nagtungo ako sa baba at kinuha ko yung car keys na laging gamit ni Al at Dan. Dahil gabing gabi na kase kaya hindi ko na ginising sila Emma at sila Al at Dan. Tutal naman nagdadrive naman ako nuon sa state, kaya ako na lang ang magdadrive.


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now