Chapter 26

2.6K 61 0
                                    

Nakapa-mewang si Sol habang naglalakad sa harapan ko, si Lloyd naman may ice na nakalagay sa muka. Si Kris at Ron naman nakatayo lang malapit sa may hagdan.

"Gabing-gabi na naglalakad ka pa, babae ka pa naman. Paano kung hindi kame lumabas para tingnan kung sino yung nahingi ng tulong, san ka pupulutin nyan." Sabi ni Sol.

Ano ba tong si Sol tatay ko? Tatay ko nga hindi ako sinesermonan ng ganto.

"Alam ko naman yun, siguro naman napaalis na sila nila manong guard," sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin, uuwi ka na magisa?" Hindi ako makatingin sa mata nya. "Alam mo ba kung paano umuwi sa inyo?"

Umiling ako. Nanlake ang mata ni Sol. "Unbelievable, maglalakad ka sa gabi tapos hindi mo man lang alam kung paano ka uuwi. Does that even make sense?"

"Hindi naman kase ako taga dito talaga, like I said naglalakad-lakad lang ako tapos hindi ko na namalayan na napalayo na pala ako sa bahay namin. Tapos..." napayuko uli ako.

"And then what?" Si Lloyd naman ang nagtanong.

"Nakalimutan ko yung cellphone ko. Look pwede naman akong umalis na. I can try to find my way back home." Tumaas ang parehas na kilay ni Sol.

"No, dito ka na matulog. Yung lagi mong kasama, alam naman nya siguro kung saan ka nakatira diba?" Sabi ni Sol.

"Si Emma? Oo magkapitbahay kame, kaya nga lagi ko syang kasama para hindi ako mawala pag uwi." Sabi ko na lang. Alam kong mali ang magsinungaling, well technically hindi naman ako masyadong nagsinungalin. Malapit lang naman ang kwarto sa akin ni Emma so it is consider as a neighbooring room, right?

"Mauna na kame ni Kris. Goodbye Meghan, see you tomorrow. Pag may ginawang kagaguhan tong si Sol, wag kang matakot sipain sya sa muka." Tumawa si Ron at si Kris. walang sinabi si Kris pero ngumiti lang sya sa akin.

"Salamat nga pala!" Sigaw ko sa kanila bago pa sila makalabas ng pinto.

"Mauna na rin ako Sol, Meghan." Tumitig sa akin si Lloyd, tapos tinapek nya ang braso ni Sol. Nagkatinginan silang dalawa bago pa magpatuloy umalis si Lloyd.

"Yaya!" Tawag ni Sol.

Isang katulong ang lumapit kay Sol. "Bakit po sir?"

"Pakilinis yung guest room sa may tabi ng room ko." Sabi ni Sol.

"Hindi ba magagalit ang parents mo?" Tanong ko?

Hindi nya ako tiningnan. "My dad is at work."

Tumango na lang ako.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now