Chapter 35

2.7K 54 4
                                    

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, hindi man lang ako makaupo sa kama dahil parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko.

Tumingin ako sa paligid ko, ang alam ko nasa bar kame ng mga pinsan ko. Paano ako nakapunta sa kwarto ko? Baka naman sila Al ang naghatid sa akin dito.

This time napaupo talaga ako sa kama at tiningnan ko ang damit ko. Yun pa rin ang suot ko mula kagabe.

Nagbukas ang pinto at napatingin ako kay Emma na may dalang kape. "Salamat." Inabot nya ang kape at humigop ako ng konti.

"Meg alam mo ba kung sino ang naghatid sayo kagabe?" Tanong ni Emma.

Napakunot ang noo ko. "Sino? Hindi ba kayo nila Al?"

Kinagat ni Emma ang labi nya sabay iling. "Wala ka bang maalala kagabe?"

Umiling ako. "Emma sino ang naghatid sa akin kagabe?" Hindi sya makasagot. "Emma."

"Si..." bago pa man makasagot si Emma biglang nagbukas uli ang pinto at pumasok si Lolo. Napatayo si Emma at bigla itong umalis ng nakayuko.

"Goodmornig." Sabi ni Lolo.

Ngumiti ako. "Goodmorning din Lo."

Lumapit si Lolo sa kama at naupo sa may paanan ko. "Alam kong medyo maaga pa pero gusto kong kausapin ka about sa engagement mo sa..."

Napatigil sya. "Sa?"

"Sa mga Villanueva." Hindi ako makapagsalita. Iilang linggo pa lang ako dito sa Pinas tapos yan na agad ang gusto nyang idiscusse sa akin? "You're already engage to Solomon Villanueva, bago ka pa man ipanganak. Nasa sinapupunan pa lang kayo ng mga nanay nyo inayos nanamin ang kasal nyo."

Napalunok ako at napatayo. Hinawakan ko ang ulo ko at mabilis akong napatingin kay Lolo. Did he just say Solomon Villanueva?

"Wait, Solomon Villanueva? Short for Sol?" Tumango si Lolo.

"Yes, sya nga ang naghatid sayo kagabe, that's why I thought maybe I should tell you about it." Kinagat ko ang labi ko at dali-dali akong lumabas ng bahay. Narinig ko ang pagtawag ni Lolo sa pangalan ko pero hindi ako tumigil para tingnan sya. Nadaanan ko si Emma sa may hagdan at kinuha ko ang kamay nya at kinaladkad sya palabas.

"Meg anong nangyayari?" Hindi ako makasagot habang naglalakd kame ng mabilis patungo sa bahay ng mga Villanueva.

Ng makarating kame sa bahay ni Sol, hindi muna ako agad kumatok at tumayo lang ako sa harapan ng gate nila.

"Ito ba ang bahay nila Sol?" Tumango lang ako.

Biglang nagbukas ang gate at lumabas si Sol ng shirtless at may earphone sa tenga. Napatingin sya sa akin na may gulat sa mga mata nya.

Tumingin ako sa muka nya hanggang unti-unti bumaba sa abs nya. Napalunok ako, ang puti nya saka mukang matitigas ang muscle nya.

"Meghan, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sol.

Hindi ako makapagsalita at nakatitig pa din ako sa abs nya.

"Huh?" Nakangiti sya habang nakapatong ang parehas nyang kamay sa bewang.

"Sabi ko kung gusto mo ba ang nakikita mo." Sabi nya.

"Sol." Lumapit ako sa kanya at nagulat sya sa ginawa ko. "Totoo ba?"

"Totoong ano?" Tanong nya.

"Na engage na tayo?" Hindi sya nagulat sa sinabi ko. "Alam mo na?"

Tumango sya. "Kahapon ko lang din nalaman." Lumapit sya sa akin.

Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan ito. "Akala ko ba ayaw mong ikasal sa inayos ng pamilya mo."

"Not until I found out it's you." Sabi nya.

"What does that even mean?" Sabi ko habang kumukirot ang ulo ko. I need some coffee.

"It means before ko pang malaman na ikaw ang ipapakasal sa akin, I'm already in love with you." Sabi nya. Tinitigan ko ang mata nya at wala akong makitang bahid ng kasinungalingan.

All I can see in his eyes are...honesty.

"Look maybe we can talk about this later, magjajogging ako and I think..." tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Maybe you should change. Ayokong may natingin na ibang lalake sa future misis ko."

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko sa kanya, nagumpisa na akong maglakad ng bigla syang sumigaw.

"Sandali!" Pumasok sya sa loob at binuksan ang malaking gate. Pagkatapos ay nilabas nya ang kotse nya. "Ihahatid ko na kayo." hindi agad ako kumilos. "Pag hindi ka pumasok dito baba ako at hahalikan kita, gusto mo pa naman na halikan kita kagabe."

Mabilis kong tiningnan si Sol. "Anong sabi mo?"

"Hindi mo ba naalala ang mga pinagsasabi mo kagabe sa akin?" Nakangiti sya na parang ineenjoy nya ang reaction ko. "Ikaw din pag di ka pa puma..."

Hindi ko na sya pinatapos at pumasok ako sa car nya na nakisamangot. "Sasabihin mo sa akin lahat ng sinabi At ginawa ko kagabe."

"Are you ordering me future Mrs. Villanueva?" Mas lalo ko pang sinamaan ang tingin ko sa kanya.

"And what if I am? And stop calling me that. Hindi ka pa nga nanliligaw, 'ni hindi pa nga tayo." Hindi sya sumagot At Hindi ko din sya tiningnan.

Tumawa syang bigla at nagmaneho na papunta sa bahay ko.

"Mark my word Meghan, one way or another, I will have you as my wife. Whether you like it or you like it." Kumindat sya sa akin pagkatapos ay bumaba na kame ni Emma.

Napangiti ako sa sinabi nya, kahit may halong kayabangan, kinilig pa rin ako.


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon