Chapter 16

3K 67 4
                                    

Lahat ng tao nagtinginan sa amin ni Sol, dahil siguro tinawag nya ang name ko.

"Ngayon lang ako nakakita ng matapang na babae na tulad mo. Hindi ka ba talaga natatakot na ma-expel? Hindi mo ba mabibigyan ng kahihiyan ang pamilya mo?" Tinitigan ko lang sya pagkatapos ay umalis na ako.

Wala akong sinabe pero sa utak ko sinasakal ko sya ng mahigpit at binabato ng libro sa muka.

"You are a very interesting woman." Humarap ako sa kanya. "Hindi ka man lang natatakot, kahit sa akin." Tumawa lang sya at tiningnan sya ng mga estudyante.

"And you are a very annoying man." Tinaasan ko sya ng isang kilay habang dinuduro ko sya.

Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang daliri ko at hinalikan ito, madali kong hinila ang kamay ko at ngumiti lang sya na para bang wala syang ginawa na kalokohan.

"You..." Dinuro ko uli sya at parang gusto pa nya itong kagatin kaya mabilis ko din binawi ang kamay ko.

"Anong kaguluhan ito?" Napalingon kame sa isang teacher na lalake na may hawak ng maraming libro. Tiningnan nya ang bawat muka namin at napatigil sya sa akin. Naubo sya at tiningnan uli kame. "Alam nyo bang dapat nasa first period na kayo? May nag-aaway ba dito?"

Yung ibang estudyante ay nagmadali ng umalis, yung grupo naman ni Heather ay parang naglalakad lang sa park sa bagal ng lakad. Sila Sol at yung dalawa nyang kasama ay parang hindi man lang nakita ang teacher.

"I'll see you around Meghan." Kumindat muna sya sa akin sabay alis kasama ng dalawa nyang kaibigan.

"Napaka yabang naman nun. Ok lang po kayo ma'am Meghan." Huminga ako ng malalim at humarap ako kay Dan. "I mean Meghan pala."

Ngumiti ako at tumango. "Ok lang ako Dan salamat. Saka pwede ba Meg na lang ang itawag nyo sa akin, magkakaibigan naman na tayo." Sabi ko.

"Sandali lang." Sabi ng teacher.

"Bakit po?" Tanong ko naman.

"Ano last name mo?" Ngumiti ako.

"Mijares po." Sabi ko.

"Kaano ano mo yung may ari ng MI Restaurant?" Kalma ko lang syang tiningnan.

"Wala po." Sabi ko.

"Nevermind, hala sige magpunta na kayo sa klase nyo." Sabi nya sa amin.

Nagtungo si Al at Dan sa motor engineering class, dahil hilig daw kase nila ang paghahalungkat ng mga manika. Kame naman ni Emma nagtungo sa culinary class, matagal na daw nya kaseng pangarap ang makapunta sa New York para makapagtrabaho sa isang restaurant dun. Ako naman gusto ko makapagtayo ng sarili kong restaurants na hindi nahingi ng tulong galing kay Lolo at sa mga magulang ko.

Ng makarating kame ni Emma sa classroom, naguumpisa ng magintroduce yung teacher namin about sa sarili nya. Nakita nya kame pero hindi nya kame pinagsabihan, tumango lang sya sa amin at pinaupo kame sa may empty chairs.

"Psst." May sumundot sa likod ko.

"Psst." Tiningnan ko yung nanunundot sa likod ko at bigla akong napanganga.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko ng pabulong.

Ngumiti sya. "Hindi ba obvious edi nag-aaral. Pano ba yan mag-classmate tayo, mas magkakaroon pa tayo ng chance para maging close sa isat-isa."

I look at him in disbelief. "This is going to suck."

Umiling-iling sya na may ngiti sa mapupula nyang labi. "This is going to be fun."


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now