Chapter 34: Sol's POV

2.7K 57 1
                                    

Tumaas ang kilay ko ng mapansin ko ang ilang tao na naghahalikan sa may tabi, kulang na nga lang mahiga sila sa sahig tapos dun na nila gawin yung...

Umiling-iling ako at pumasok ako ng mabilis sa loob ng club, hinanap ko kaagad si Meghan pero ang nakita ko lang ay sila Llyod na may kasamang mga babae at nagiinuman. Lumapit ako sa kanila at binagyan nila ako ng beer, hindi ko maiwasang tumingin-tingin sa paligid at nagbabakasakaling makita ko si Meghan, na sana ay hindi lasing.

"Asan si Meghan?" Tanong ko agad.

"Hello din sayo Sol, si Meghan talaga ang unang bibig." Sabi ni Ron.

"Kase nga in love sya." Panginis ni Llyod. "Yayain ko nga sana magsayaw kanina, kaso nakabantay yung dalawang lalake na lagi nyang kasama." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lloyd.

"May kailangan akong sabihin sa inyong lahat about dun sa engagement na inayos ng pamilya ko." Uminom ako ng beer.

Tumaas ang kilay ni Llyod habang nainom ng beer. "Alam mo na kung sino?"

Tumango ako, at nagkatinginan sila sa isa't-isa.

"Maganda ba sya?" Tanong ni Kris.

Ngimiti ako sabay inom ng beer, bigla naman nagmotion si Kris ng beer nya sa likod ko.

Tiningnan ko naman, at nakita ko si Meghan na nakasuot ng blue dress habang may hawak ng beer at nagsasayaw sa gitna. May kasama syang lalake at dalawang babae.

Kumunot ang noo ko. Hindi ba alam ng future misis ko kung gaano sya kasexy tingnan sa damit nya at sa pagsasayaw nya? Pag naging Mrs. Villanueva na sya ipagbabawal ko ang mga dress sa kanya, unless na lang kung isusuot nya lang para sa akin.

Umiling ako at pinuntuhan ko sya, tumayo ako sa likod nya at tumama sya sa dibdib ko.

Tiningnan nya ako at muka syang nagulat sa muka ko, ngumiti ako sa kanya at hinawakn ko ang bewang nya, muntik na kase syang matumba. Tumingin sya ako at nakita ko kung gaano kapula ang mga pisngi nya.

"Villanueva!" Sigaw nya na may kasamang tawa.

Binaba ko ang ulo ko malapit sa tenga nya. "Lasing ka ba!?"

Ngumiti sya at kinagat nya ang labi nya sabay inom ng beer. "Uh-huh." Ang tanging sinabi nya.

"Alright." Kinuha ko ang alak nya. "That's enough drinking for you."

"What, no." Nag-complain sya at pinulit kunin ang beer sa kamay ko. Muntik nanaman syang matumba kaya naman niyapos ko na sya at hindi ko na sya binitawan. "Sol give me my beer back."

Tumawa ako at pinisil ko ang pisngi nya. "Pag ikaw hindi tumigil hahalikan kita."

Tinitigan nya ang muka ko tapos panay ang blink nya. "Ang pula ng labi mo, naglilipstick ka ba?"

Tumitig ako sa muka nyang namumula na sa lasing, tapos napatawa ako. "Hindi po ako naglilipstick."

Nilapit nya ang muka nya sa akin, pero nilalayo ko ang ulo ko. "Bakit ka lumalayo? Akala ko ba gusto mo akong halikan?"

Tiningnan nya ako na parang inosente yung tanong nya sa akin. Tinitigan ko sya, pagkatapos ay dinilian ko ang labi ko at unti unti ko ng nilalapit ang muka ko sa kanya.

Dahan dahan lumalapit ang labi ko sa kanya pero huminto ako dahil alam kong lasing sya at hindi nya alam ang pinagsasabi nya. "Halika na ihahatid na kita sa inyo." Tumango lang sya.

Tempting, but I'm a gentleman and I will not take advantage of my future wife. I will have a lot of time to kiss her pretty lips in the future.

Inalalayan ko sya sa pag lakad palabas ng bar, nadidistract ako sa amoy ng buhok nya. Amoy tropical scent.

Nagmaneho ako patungo sa bahay ng mga del Rosario, at habang nakahawak ako sa manubela bigla akong napatingin sa kamay ko na ngayon ay kinakagat ni Meghan. Huminga ako ng malalim at hinayaan ko na lang sya na kagatin ako, ang alam ko kase may mga babae na mahilig mangagat dahil gusto lang nila.

After a few minutes nakatulog na si Meghan at ng makarating kame sa bahay nya ay kinailangan ko syang buhatin. Nagdoorbell ako sa may gate nila at binuksan ito ng lolo ni Meghan.

"Solomon." Sabi nya. Nginitian ko si Lolo Diego. "Lasing ba tong si Meghan?"

"Opo." Sagot ko habang pinapapasok nya ako sa loob ng bahay.

"Asan ang mga pinsan nito?" Itinuro nya sa akin ang kwarto ni Meghan at ibinaba ko sya sa kama nya dahan-dahan, pagkatapos ay ipinatong ko sa kanya ang kumot.

"Naiwan po sila sa bar." Nararamdaman ko ang titig sa akin ni Lolo Diego.

Nang lumabas kame mula sa kwarto ni Meghan, hinawakan ni Lolo Diego ang balikat ko.

"Alam mo na ba na sya ang mapapangasawa mo?" Tumango lang ako. "Hindi ko pa masabi sa kanya, natatakot ako. Pwede bang bigyan mo ako ng time masabi sa kanya ang tungkol dito."

Ngumiti ako. "Take your time po."

"You love her already." Mas lalo pang lumaki ang ngiti ko at tiningnan ko lang si Lolo Diego. "I can see it in your eyes, because I used to look at my wife that way."

"Yes, I do."

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now