Chapter 38

2.6K 54 2
                                    

Ng pumunta ako sa locker ko, may isang pulang papel na nakadikit sa pintuan ng locker. Tumingin ako sa paligid-ligid ko at wala naman akong nakitang mukang suspicious. Kinuha ko ang papel at binasa ito.

Hello future misis ko! Sana magustuhan mo ang mga bulaklak sa loob ng locker mo. -love your future mister.

Binuksan ko ang locker na may ngiti sa mga labi ko. Isang bouquet ng white lily ang bumungad sa akin.

How did he...

Kinuha ko ang bulaklak at inamoy ito, kinagat ko ang labi ko na may maliit na ngiti sa gilid ng mga labi ko. Sinara ko ang locker at hinanap ko si Sol.

"Bilis baka matapos na ang game." Sabi ng mga ilang babae na nagtatakbuhan patungo sa gym.

Nakita ko si Violet at Bella na nakikitakbo din kaya naman hinarang ko silang dalawa.

"Oh hey Meghan, nice flowers." Sabi ni Bella.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa gym, may basketball game sila Sol." Napakunot ang noo ko. Bakit hindi man lang sinasabi sa akin ni Sol 'to.

Nakitakbo na ako kila Violet at Bella at ng makarating kame sa gym, halos mabingi kame sa ingay ng mga estudyante.

"Sino kalaban nila!?" Sigaw ko kay Bella.

"Taga ibang school!" Sigaw nyang pabalik.

"Go Sol! Go Kris! Go Lloyd! Go Ron!" Sigaw ng mga babae sa gilid ko. "KYAAAAAHHHHHHHH!!!!!!" Sigaw uli nila ng makashoot ng three points si Sol.

Pinanood ko syang tumakbo habang nagha-hi five sa iba nyang ka team mates.

Naghanap ako ng empty ng seats at ng makita kong kumakaway-laway si Emma sa may harapan kasama si Al at si Dan, ay lumapit ako sa kanila. Dumaan ako sa harap ng ibang tao na may hawak na mga banners.

"Kelan pa kayo nandito!?" Tanong ko.

"Kanina pa!" Sigaw ni Emma.

"Hello Meghan!" Sigaw ni Dan.

"Hello din!" Sabi ko. Tumingin ako kay Al at ngumiti lang sya. Pagkatapos ay biglang gumalaw si Al at hinatak ang kamay ko papalapit sa kanya. Sa gulat ko ay napatitig lang ako kay Al na nakatingin kung saan.

Ng sinundan ko ang tingin nya nakita ko na hawak hawak ni Dan ang bola. Nag-blink ako at napatingin ako kung saan ako nakatayo. Kung hindi pala ako hinila ni Al natamaan na sana ang ulo ko.

Ibinalik ni Dan ang bola at mag-whistle na ang referee. Ng may maramdaman akong kamay sa bewan ko, agad akong napatingin kay Al na nakatitig lang sa akin.

Agad agad ko syang tinulak at dali dali din akong tumabi kay Emma, medyo malayo kung nasaan si Al. Nagnakaw ako ng tingin kay Al at ngumiti lang sya sa akin, ibinalik ko naman ang ngiti nya.

Ng magbuzz na, agad agad kong hinanap si Sol. Nagulat ako ng makita kong nanlilisik ang mata nya habang nakatitig sa pwesto ko. Nagtama ang mga mata namin at para bang biglang nanlamig ang buong katawan ko dahil sa titig nya.

Galit ba sya? Bakit kaya?

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora