Chapter 42: Sol's POV

2.5K 48 0
                                    

Ipinarada ko ang car ni Meghan sa may tabi ng bahay namin, at pinababa ko muna sya para makilala na sya nila lolo at papa.

"Nahihiya ako Sol." Tumigil sya sa may pinto at hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.

Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan ang noo nya.

"Bakit ka mahihiya eh diba nga hindi ka pa pinapanganak nuon, boto na sila sayo. Kahit hindi man lang nila alam kung magiging panget ka." Hinataw nya ang braso ko. "Joke lang naman. Saka hindi naman kita minahal dahil sa itsura mo, minahal talaga kita dahil sa ugali mo. Alam mo ang ganda ganda pala talaga ng future misis ko sa malapitan, ang cute cute ng ilong." Pinisil ko ang ilong nya.

"Ewan ko sayo."

Biglang nagbukas ang front door at parehas kaming nagulat at napatingin ni Meghan sa nagbukas. Nanlake ang mata ko ng napatitig ako kay Rica, yung kaunaunahang gf ko.

"Sol." Sabi nya.

"Lumayas ka ditong babae ka!" Rining kong sigaw ni Lolo.

"Sol please gusto lang kitang makausap." Hinawakan nya ang kamay ko pero bago ko pa man bawiin ang kamay ko, mismong si Meghan ang bumawi sa kamay ko.

"Sino ka?" Tanong nya. Hindi sya yung galit o yung para bang naghahanap ng away. Calm sya nung tinanong nya si Rica, pero yung kilos ng katawan nya at yung sinasabi ng galaw nya ay iba. "Girlfriend and fiance ako ni Sol."

"Fiance?" Gulat nyang tanong sa akin. "Sol?"

"Wala tayong dapat pagusapan Rica. Umalis ka na." Sabi ko.

"Pero Sol akala ko ba mahal mo ako? Sabi mo pa nun sa akin ako ang pakakasalan mo." Tumingin ako kay Meghan na mukang medyo kalma pa din sa nangyayari.

"Lahat ng tao pwede magbago." Sabi ko. Hinila ko papasok si Meghan.

"Sol please." Sabi ni Rica na umiiyak na.

Pinapasok ko si Meghan sa bahay at isinara ko ang pinto. "Bakit wala ka na bang pera Rica? Wala ka na bang mabihag na mayaman? Umalis ka na Rica, may fiance na ako at ikakasal na kame."

"Nagbago na ako Sol." Sabi nya pero hindi ko na sya pinaringgan magsalita at pumasok na ako sa loob. Nakita ko si Meghan na inaasikaso nila lola at lolo, si Dad naman may kausap sa phone. Lumapit ako sa kanila, nginitian ako ni Meghan pero sila lolo at lola binagyan ako ng tingin na ang ibig sabihin ay, "mag uusap tayo mamaya."

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now