Chapter 8

3.5K 72 1
                                    

Keso busy daw sya at nabubwisit na sya sa mga kaibigan ko. Yun bang wag na daw ako makulit at pag sabihan ko na daw ang mga friends ko kase nakakaabala na daw sa buhay nya.

Nasa point na ako na gusto ko na syang i-break, kase parang gusto naman nya na makipagbreak na ako pero hindi lang nya masabi.

So I told myself na I'll still give him a few more chances, baka naman maayos pa kame.

I wasn't going to let him go, sabi ko sa sarili ko. Hindi ko sya susukuan kase alam kong maipaglalaban pa namin yung pagmamahal namin. Na yung pagmamahal namin ay totoo, nga ba?

So yun nga, minessage nya yung isa kong kaibigan. Sabi nya ayaw na daw nya, pero kase nga ayaw ko pa din daw sumuko. After sinabe ng friend ko yun I took the initiative to break up with him. May pasabi-sabi pa sya na bibigyan nya pa ako ng singsing na may malaking bato.

Nakakapagod na din kase saka ayaw na pala nya bakit hindi nya na lang sinabe sa akin. Kung ayaw na pala nya bakit kailangan sa kaibigan ko nya sabihin. Hindi ba sya lalake? Naputulan ba sya ng bayag para hindi nya masabi sa akin na hindi nya pinapadaan sa kaibigan ko?

Feeling ko sinagasaan ng isang malaking truck ang puso ko na habang dinadaanan ito unti unting nadudurog. Wala akong magawa kung hindi hayaang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko naman sya masapak dahil malayo sya sa alin, so iniyak ko na lang.

Akala ko naman masaya kame ano nangyari, bakit kailangan nya ako saktan ng ganto? Nagmahal lang naman ako ng totoo, bakit ako pa ang nasaktan? Bakit nya nagawa sa akin yun? Madami akong bakit pero wala akong sagot.

Siguro plano na din to ng Panginoon, pero ang sakit sakit talaga. Paulit-ulit lang talaga ang tanong sa utak ko. May problema ba sa akin? Bakit nya ginawa yun? Bakit napaka loko-loko nya? Ang hirap kase sa ibang babae, including me, marupok ang puso. Kahit nagtayo na tayo ng wall, pilit pa din ibinabagsak ng pagmamahal. Pag nasaktan naman, sobrang sakit na akala mo wala ng kwenta pa ang kumilos o magisip.

Ang hirap intindihan ng ginawa nya sa akin, ang hirap din magmove on ang puso ko

Hayyss...

Ilang buwan naman ang nakalipas mula ng magbreak kame, thanks din sa mga kaibigan ko kase nandyan sila para ramayan ang puso kong namatay. Kung hindi sa mga kaibigan ko baka siguro matagal na akong naloka.

Anyways I was starting to move on, kahit paunti-unti ang pagmomove on ginagawa ko. Until one day I receive a message from a girl I never met. Sa messenger to, so at first I didn't answer her kase nacurious ako so I went to her fb profile, laking gulat ko buntis si girl at sa tabi nya ay si Ex na hawak hawak ang tiyan ni girl.

Pumatak nanaman ang mga luha ko.

Ano ibig sabihin nito? Paulit-ulit kong tinatanong sa isipan ko yan. Edi nagsearch pa ako ng mga photos nila, my gosh ilang taon na pala silang kasal. Nadurog nanaman muli ang puso ko.

Siraulong yun nilandi ako tapos ginawa pa akong kabit.

Sinagot ko si girl, nagusap kame at nagtanong sya. Sinabe ko sa kanya lahat ng totoo. Na sabi ng magaling nyang asawa na single sya, na never nyang namention na may asawa sya. Naniwala naman si girl kase ilang beses na din daw nya nahuhuli na nambabae si Ex. Humingi ako ng paumanhin sa kanya, and after that sinabe sa akin ni girl na kalimutan ko na daw ang asawa nya at kalimutan na daw namin ang mga nangyari sa amin.

Parang napakadaling gawin ng sinasabi ni ate girl eh, sabihin ko kaya sa kanya wag syang masaktan pag manganak sya.

-------------------------------------------------------

Anyway so yun na nga ang story ng ex ko, saklap nga eh. Nakakabwisit din at nakakagago.

Nakamove on na ako pero nakakainis pa rin pag iniisip ko, lalo na ngayon nagmessage pa sya.

Ang puso kase paminsan pag may ipinakita ang isang tao na sweet o kaya naman parang nakakafall, bigla bigla na lang nahuhulog. Kahit pigilan mo ang sarili mo pag gusto ng puso mo yun pa din ang mangyayari.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now