Chapter 22

3K 66 3
                                    

"Kung natapos nyo na ang interview question nyo, pass it up and then grab the paper right here para sa susunod na gagawin nyo." Sabi ni Chef. "We will now practice your knife skills."

HIndi namin natapos ni Sol ang interview sheets dahil puro kalokohan ang pinaggagawa, and I'm so pissed. Tiningnan ko ng masama si Sol at humikab lang sya sa tabi ko.

Kinuha ni Sol ang papel sa harap ko at nagtungo na sya sa unahan para ipasa ang papers namin. Ng bumalik sya may dala syang isang papel.

"Bakit isa lang ang kinuha mo? And you do realize na hindi natin natapos yung interview dahil puro ka kalokohan." Ngumiti sya. Ngayon ko lang napansin yung buhok nya na mas malambot pa sa buhok ng ibang babae. He ran his hand to his hair tapos inayos nya ang damit nya.

"Sharing is good." Sabi nya. "And that won't count on your grade." Sabi nya lang

"Go pick your station, yan ang magiging station nyo at jan nyo gagawin lahat ng pagluluto at paghahanda ng mga cuisin. Now go pick your station." Tumayo kame ni Sol at pinili namin ang may malapit sa bintana.

Kumuha si Sol ng dalawang kutsilyo at ng dalawang chopping board. "Salamat."

"Kiss mo ko." Kinuha ko yung kutsilyo. Ngumiti lang sya at tumawa ng mahina.

"Get the vegetables here, for practicing at yung mga magagayat nyo ay gagamitin para gawing isang soup para maibigay sa mga homeless sa kalsada." Sabi ni Chef. "Is that clear?"

"Yes Chef!" Sabi naming lahat.

Kukunin ko na sana yung isang box ng carrots, iba-iba kase yung vegetables na meron, bubuhatin ko sana yung box kaso ang bigat pala. Huminga ako ng malalim and I tried to pick it up again. Ng mabuhat ko na, halos hindi kinaya ng braso ko.

May biglang kumuha ng box sa kamay ko at ng tiningnan ko kung sino, nakita ko lang ang likod ni Sol na mamuscle at sobrang ganda ng likod nya.

Kahit nakadamit sya kitang kita pa din talaga ang muscle sa likod nya. Napatingin ako sa paligid ko at halos lahat ng babae nakatingin sa likod ni Sol, tapos napatingin sila sa akin na may halong jealousy sa mga mata nila.

"Hey slacker, marami pa tayong carrots na gagayatin!" Tawag nya sa akin.

Sinamaan ko sya ng tining at kinindatan nya lang ako.

He pulled his sleeve up at naghugas na sya ng kamay, tiningnan nya yung apron sa harapan nya at parang napapaisip sya kung paano nya ito mailalagay sa katawan nya.

"Meghan pwede mo ba ilagay ang apron ko, naghugas na kase ako ng kamay eh." Wala akong tiwala sa lalakeng to.

"Bakit hindi mo ilagay yung apron mo tapos maghugas ka uli ng kamay." Tama! Bakit hindi nya gawin yun.

"Ano magaaksaya ng tubig at sabon? Mabilis lang naman, sige na oh." Sabi nya.

I rolled my eyes and walk towards him, kinuha ko yung apron at isinuot sa kanya. Nung itatali ko na sa likod nya bigla akong natigilan. Kung itatali ko ang apron nya magmumukang niyayapos ko sya. Hala ano kaya ang gagawin ko.

Bahala na nga.

Itinali ko yung apron nya sa likod at grabe ang liit ng waist nya, ang bango-bango din nya. Nakakatemp din ipatong ang ulo ko sa dib dib nya.

Ng maitali ko na sobrang init ng muka ko tapos narinig ko syang tumawa.

Nagumpisa na syang maggayat at ang pogi nyang tingnan halos lahat ng babae nakatitig lang sa kanya.

"Girls pay attention sa ginagayat nyo, baka ang magayat nyo ay ang daliri nyo." Sabi ni Chef.

Kinuha ko ang apron ko at sinuot ito, pagkatapos ay kinuha ko ang kutsilyo at nagstart na din maggayat. Hindi ko maggawang mag pay attention sa ginagawa ko dahil nadidistract ako kay Sol.

"Aray!" Hindi ko na namalayan na nahiwa ko na pala ang sarili ko. Napatingin ako kay Chef at ngumiti ako para i-make sure na ok lang ako, dahil bigla din kase sya napagingin sa akin.

Kinuha ni Sol bigla ang kamay ko at binuhay agad ang tubig, nilagay nya ang kamay ko sa tubig at pinanood kong malinis ang dugo sa daliri ko. Tapos napatining ako kay Sol, napatingin ako sa muka nya na may gentleness sa mga mata nya. Ang pogi nya pala talaga, pwede na sya maging artista sa itsura nya, pwede na din syang maging guardian angel ko dahil muka naman syang anghel.

Napatingin sya sa akin at nagmeet ang mata naman, ngumiti sya at nilapit nya ang muka nya sa akin. Naginit nanaman ang muka ko and for sure nagbablush ako.

"A-anong ginagawa mo?" Sabi ko habang nilalayo ko ang muka ko sa kanya. Ngumiti lang sya habang mas nilalapit pa nya ang muka nya. "Sasapakin kita Sol." Hindi pa rin sya tumigil sa paglapit ng muka nya.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Ano nga ba ang inaantay kong gawin ni Sol sa akin?

Naramdaman kong may parang towel na dumidikit-dikit sa kamay ko, ng minulat ko ang mata ko pinupunasan pala ni Sol ng towel yung basa kong kamay.

Tiningnan ko ang muka ni Sol na may amusement sa expression nya. Nakangiti sya habang nilalagyan ng band aid ang daliri ko, napalunok ako at napahinga ng malalim.

"Don't worry, I wont kiss you without your permission." Sabi ni Sol. Binitawan nya ang kamay ko at hinawakan ko ang puso ko. Ang lakas ng tibok nito parang sasabog sa lakas. "Unless you drown then I have to perform a resuscitation kiss, you know what that is right?"

Ngumiti ako. "Then I'll make sure that I don't drown."

Tinitigan lang ako ni Sol, dinilaan ko sya at nagpatuloy na uling maggayat. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa at mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now