Chapter 31

2.9K 66 1
                                    

Habang nakasakay sa car ni Sol, biglang nag-play ang kanta ni Moira de la Torre na Tagpuan. Favorite ko tong kantang to saka ang ganda ng boses nya, nakakarelax.

"At nakita kita sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko"

Nakisabay ako sa pag kanta habang nakatitig ako sa bintana. Hawak hawak ko ang bulaklak at isang box ng cake. Sabi kase ni Sol pag nabisita sya sa puntod ng Mom nya tuwing kaarawan nito nakain sya ng cake.

"Ilang taon ka nung nawala ang Mom mo?" Tumingin ako sa kanya at bigla syang umiwas ng tingin. Ngumiti sya habang nakafocus sya sa pagmamaneho.

"I was ten." Tumango-tango ako. Ang bata papala nya nung nawala ang mom nya. I wonder kung naalala nya pa kaya ang itsura ng nanay nya? "May sakit sya sa puso."

"Heart attack." Hindi sya sumagot.

"Ikaw ano ang story mo? We've known each other for like what two weeks? Three? Pero never ka pang nagkwento tungkol sa sarili mo." Ngumiti ako at tumingin sa kanya.

"Dahil ngayon ka lang nagtanong, ang I dont have much to tell you. Saka nakakabwisit ka kase paminsan." Tumingin ako sa kanya. Ang pogi nya talagang tingnan kahit nakaside view sya. Yung hikaw nya bagay na bagay sa kanya, hindi sya mukang manyak siguro dahil na din sa muka nyang mala anghel.

"Ako nakakainis? Sa pogi kong to." Hindi ako ngumiti. Umubo sya. "Any..."

"What? First love? Meron. Kaso katangahan lang pala. In short I fell in love sa isang taong nameet ko online, I was played and I was hurt. But it doesn't mean I'm closing my heart to anyone." Sabi ko. "My dad and my mom are both living in the state, and so does my two older brothers. Yung isa ikakasal na nga eh."

"Edi sino ang kasama mo dito sa pinas?" Tanong ni Sol.

"Lolo ko. Kasama ko ang Lolo ko." Tumango-tango sya.

"Paano ka pala nakapasok sa university? Scholar ka daw sabi ng iba." Ngumiti ako.

"Pwede bang magstop muna tayo somewhere, naiihi na ako saka gutom na ako." Sabi ko para maiba lang ang usapan namin, kase baka mamaya madulas ako.

Naghanap si Sol ng pwede namin matigilan at pinili nya ang Jollibee. Agad-agad ako bumaba mula sa sasakyan at pumasok sa loob, pumunta kaagad ako sa banyo at sya naman pumila para umorder ng makakain.

Ng makalabas ako sa banyo agad ko syang hinanap, ng makita ko ang likod nya ay nilapitan ko sya. Tiningnan nya ako at ngumiti sya sa akin at sa tuwing nginingitian nya ako ng ganon lumulundag ang puso ko at para bang may paro-paro sa tiyan ko na lumilipad sa tuwa sa tuwing makikita ko ang ngiti nya.

"Ano gusto mo?" Tanong nya sa akin.

"Chicken at rice, with fries and...sundae." Sabi ko. "Babayaran kita, don't worry."

Tumawa sya ng mahina. "Kelan pa pinagbayad ng lalake ang isang babae kapag nasa date sila?"

Mabilis akong tumingin sa kanya, at nakita nya ang gulat sa muka ko. Ngumiti sya at pinisil nya ang ilong ko, tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang mga tao na tinitingnan kame.

Kinagat ko ang labi ko at tumawa ng mahina, pagkatapos ay siniko ko sya ng malakas sa tiyan at pinangunahan ko sya sa pila.

Narinig ko lang ang tawa nya, at ng maramdaman ko ang init ng katawan nya sa likod ko bigla nanaman nagwala ang puso ko at naalala ko nanaman nung gabi na nagstay ako sa bahay nya.

Umubo ako at nagmove ako pa-side para hindi ko sya nararamdaman, at para sya na rin ang kumuha ng order.

Ng maorder na nya ang food at magbabayad na sana, napansin ko yung cashier na panay ang tingin nya sa amin.

"May problema ba ate?" Tanong ko.

Nagulat sya sa tanong ko at mabilis syang tumingin sa screen sa harap nya. "Wala naman po. Ang cute nyo po kaseng tingnan ng boyfriend nyo."

Naginint ang muka ko at tiningnan ko kaagad ang muka ni Sol, para makita ang reaction nya.

Nakangiti lang sya habang inaabot ang credit card nya kay ate na cashier.

"Sa tingin mo bagay kame?" Tanong nya sa babae. Tumango ang babae, at huminga ng malalim si Sol. "Sadly, hindi kame. Hindi nya pa kase ako sinasagot."

I scoff at him. "Bakit nanliligaw ka ba?" After lumbas sa bibig ko yun saka ko lang narealize ang sinabi ko. Parang ang pinapalabas ko ay inaantay ko lang sya na manligaw. Oh my gosh girl katangahan.

Dinilaan ko ang labi ko.

Humarap sa akin si Sol na naka-cross ang ang kamay nya sa may dibdib. "So inaantay mo lang pala ako manligaw?"

Hindi ako makasagot at so napatingin lang ako sa paligid ko. Hindi ko pala alam na para na pala kaming isang play na pinapanood ng mga tao. Napalunok ako at umalis.

Kainis talaga yung lalakeng yun, hinawakan ko ang muka kong nagiinit.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now