Chapter 3

2.6K 51 4
                                    

Hinatid ako ni Sol sa may mall at hindi sya umalis hanggang sa makita ko si Emma. Nagpaalam kame sa isa't-isa at nakangiti akong umuwi.

Ang dami naming nagawa ni Sol. Kumain kame ng cake sa may puntod ng mom nya, pagkatapos ay nagkwentuhan lang kame ng mga bagay bagay. It was the best feeling I've ever had and he wasn't that bad to be with.

Ng makauwi kame pinagstay ko si Emma para may makausap ako. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa amin ni Sol. Simula nung tinulungan nya ako dun sa mga lasenggero at pinagstay nya ako sa house nya, at dun din sa may labas ng banyo. Yung sa jollibee at dun sa puntod ng nanay nya. Nakinig lang sa akin si Emma at ngumingiti-ngiti sya.

"May gusto ka na ba sa kanya?" Tanong nya. "At kung liligawan ka man nya, may pagasa ba sya sayo?"

Tumitig lang ako sa kisama. May gusto na nga ba ako kay Sol Villanueva? Maibibigay ko ba sa kanya ang matamis kong oo kung sakaling hingin nya ito sa akin? Kahit ako hindi ko alam ang nararamdaman ko kay Sol.

Oo masarap syang kasama at masarap syang kausap. Comfortable din ako pag nasa tabi ko sya.

"Siguro..." ang tanging sagot ko.

"Paano ang Lolo mo?" Tumingin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko kay Emma. "Ano alam mo?"

"Wala naman. Nung...dati pa to...may bisita kasing dumating nuon. Tapos pinaguusapan nila ang kasal mo dun sa isang apo nang kaibigan ng Lolo mo" Sabi nya. Tapos tumitig sya sa akin. "Alam mo na?"

Tumango ako. "Matagal na."

"Payag ka naman? Paano si Sol." Ngumiti ako. "Paano ang puso mo?"

"Hindi ko alam, naguguluhan ako." Sabi ko.

"Bakit hindi mo sundin ang puso mo." Sabi nya. Tiningnan ko lang sya.

"My mom said the same thing." Naalala ko yung sinabi sa akin ni Mama.

"Ano nga ba ang gusto mo Meghan?" Tanong ni Emma.

Ano nga ba ang gusto ko? Susundin ko ba ang puso ko o susundin ko ang gusto ni Lolo na maikasal ako sa apo ng kaibigan nya? Pinangako ko kay Mama na susundin ko kung sino ang pipiliin ng puso ko. Pero kaya ko nga bang suwayin si Lolo?


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now