Simula

250 5 0
                                    

Simula

Malakas na hiyawan ng mga tao ang bumabalot dito sa NFA ngayon pwera sa mga nag kikis kisan na gulong ng sasakyan dahil sa pagdi-drift nila. sa di kalayuan. Ang dami ng tao ngayon kumpara sa nakaraang competition. Buti na lang at hindi ganon kainit ang panahon at kahit may sikat ng araw ay natatabunan parin ng manipis na ulap kasi kung hindi, hindi takaga ako sasama.

Mahangin naman dito at naka lilim ako imbis na makisama ako sa mga pinsan ko at sa iilang kilala na andon malapit sa kung nasaan ang mga sasakyan na naglalaban laban.

Hindi naman talaga ako kj. Nakikisama naman ako sa tuwing may lakad kaming mag pipinsan pero sadyang hindi lang naka ayon ang panahon ngayon sakin kaya pinili kong mag stay dito. Hindi ganong crowded at hindi rin gaanong maingay. Tahimik din kasi ang mga katabi ng tent na kinaroroonan ko.

"Eto o," Alok sakin ng mineral water ni Margou sabay upo sa monoblock sa tapat ko.

"Sabi ni kuya dun daw tayo sa pick up sumakay para makita natin ng mas maayos," aniya at uminom din sa tubig na hawak niya.

Luminga ako sa paligid. Karamihan ng nandito ay kaedaran namin. Yung iba naman mas may edad na at matagal na siguro sa larangan ng pangangarera at sa or any competition with an involvement of cars.

"Sila Chloe?" tanong ko dahil kanina pa kami nandito sa tent.

"She's with her boyfriend, of course. Si Chantal naman ay nanunuod don sa unang naglalaban."

"E yung iba? Hindi pa naman pala mag uumpisa agad dapat hindi tayo nag madaling pumunta," pag susungit ko.

Tumawa naman si Margou. Mag sasalita sana siya ng may humawak sa ulo ko at tsaka ginulo ang buhok ko nilingon ko si Kuya Ken na kakarating lang kasama ang kumag kong pinsan. Umupo si Kuya sa tabi ko kasunod si Kier.

"Pang apat na araw mo na sa period mo. It wouldn't hurt na masikatan ng araw, Jessy," si Kuya Ken habang nanunuyang nakatingin sa akin.

"Period? Sinong may mens?" Nanlaki ang mata kong nilingon si Deo na kakarating lang. Para siyang inosente na nagpalipat lipat ang mata sa amin.

Humagalpak ng tawa si Kier pati na si Kuya Ken. Hindi na rin naiwasan na maki sali ni Margou na nasa harap ko. May ilang tao na nag tinginan sa kung nasaan kami dahil sa lakas ng pagkaka bigkas ni Deo. Malayo kami sa may mga speaker kaya mas tahimik sa parteng ito kaya hindi malabong narinig si ang kupal kong pinsan

Lalo akong nainis kayo hinampas ko si Deo.

"Ano ba? Hindi sinisigaw yun siraulo!" sabi ko tsaka siya kinurot.

"Ah! Aray- ano ba?!" namamalipit niyang reklamo sabay hawi sa kamay ko.

"Gago kasi," si Kier habang tumatawa parin.

Umupo si Deo sa pagitan namin ni Margou habang nakahawak sa kung saan ko siya kinurot. Bumakat yung kuko ko sa balat niya na ngayon ay namumula. Nakatingin lang siya sakin kaya tinitigan ko siya ng masama. Mongoloid kasi.

"Anong ginagawa niyong lahat dito? Tara don o! Susunod na si Marcus," si Chloe naman ngayon ang dumating kasama ang mga kaibigan namin na sila Krisha at Jelina.

Mabilis tumayo si Deo ng nakita ang mga kaibigan ko. Lumapit siya kay Jelina kaya napa ismid ako.

"Yeah tara na don. Toxic dito," aniya at lumingon sakin. "May maduming dugo kasi ang dumadaloy," aniya.

"What the fuck, kuya?" si Margou pero halatang natawa.

"Ano?" nakakunot ang noo ni Chloe na bumaling sakin.

Kinuha ko yung bottled water na na hawak ko at binato yon kay Deo kaso naka ilag siya at tuluyan ng naglakad kasama si Jelina na tunatawa din. Kasabay non ang pagtayo na rin ni Kuya at Kier na tumatawa na rin ngayon. Bakit nga ba ako napilit na sumama dito?

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now