Kabanata 12

25 0 0
                                    

Kabanata 12

Sundo

"Uh," hindi ko alam ang isasagot ko kaya luminga linga pa ako.

"Mag isa ka?" aniya at sinilip ang loob ng room,"

"Nasa canteen ang mga kasama ko," sabi ko.

"Where's your boyfriend?"

Kumunot ang noo ko. Ano raw?

"Boyfriend? Wala akong boyfriend,"

"Ah!" tumawa siya. "Akala ko boyfriend mo yung nanalong Governor," aniya at umiling.

Hilaw na ngisi lang ang naibigay ko. Ilang sandali rin siya natahimik kaya mabilis kong tinapos ang tatlo pang upuan at ipinatong yon sa ilang monoblock na napag patong patong ko na. Hindi ko na halos maabot ang pang huling upuan sa taas ng pag stack ko sa mga monoblock kaya tinulungan pa niya ako.

"Salamat..."

"Ah! I'm Penelope. Penny for short," ngumiti siya at nilahad ang kamay.

Penelope. Is she Xander's new girlfriend?

Tinignan ko ang kamay niya. It'll be very impolite of me kung tanggihan ko 'to. Though I have no idea why she's here in front of me now.

Wala akong nagawa at tinanggap ko ang kamay niya.

"Jessica," sabi ko.

Ngumiti pa siya lalo.

"Nice... meeting you,"

Nagtagal pa ang titig niya ng bawiin ko ang kamay ko.

Habang tumatagal hindi nawawala ang titig niya. It's not creepy but it's awkward! Hindi ko alam kung paano ako makakapag paalam sa kanya. Sabihin ko kaya mag ccr ako? O kaya magpaalam ako na pupuntahan ko si Evan?

Habang nangangapa ako ng ipapaalam ay may narinig kaming tunog ng kung sinong tumatakbo. Nilingon namin kung saan nang gagaling iyon at di kalaunan ay lumabas mula sa kabilang hallway si Xander na mukhang kanina pa tumatakbo. Ng lumingon siya sa banda namin ay huminto ang mata kay Penny.

"Penny kanina pa-" nakatuon lamang kay Penny ang mata niya nung una pero nang malingunan ako ay namulagat na naman.

"Jes," tawag niya at napahinto sa pagtatangkang lapitan si Penny.

Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon kaya nagpanggap akong nag aayos ng sarili. Eto na naman ang malakas na kalabog ng puso ko. Hindi ito pwede!

"Xander." Biglang naging pinaka nakakairitang boses ang kay Penny ng marinig kong tawagin niya si Xander.

Nakayuko ako at kunyaring inaayos ang pangkaka tucked in ng shirt ko sa pants kaya hindi halata ang pang igting ng panga ko. Dito pa sila mag lalandian ganon?

Hindi na ako mag excuse at pumasok na ako sa kwarto. Nahagip ng mata ko ang tingin sa akin ni Xander pero hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang bag ko. Nag ayos ako kunyari para hindi ako abalahin. Hindi ko kasi alam kung paano ako lalabas at sasabihin sa kanilang aalis na ako.

"Kanina pa kita hinahanap. I told you to stay at the gymnasium," mahinang sabi ni Xander pero narinig ko parin.

"But, Xander, I wanna see her," mariing sambit ni Penny.

Wanna see me? Bakit?

Wala akong narinig na sagot mula kay Xander. Gusto ko sana silang lingunin pero hindi ko na ginawa. Nag retouch ako. Naglagay pa ako ng lipstick kahit na hindi ko naman madalas na gawain iyon at inihahanda ang sarili sa paglabas at pag papaalam sa kanila. Bahala na kung anong maisip ko. Hindi nga ako dapat nahihirapan ng ganito e diba?

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now