Kabanata 33

29 1 0
                                    

Kabanata 33

All for you

Napasinghap ako sa sinabi ni Kuya Marcus. Alam niya na? Mula noon? Pero bakit hindi siya nagalit? Hindi niya kami pinigilan? Bakit... Bakit?

"Alam ko na noon pa, Margou."

Alam ni Kuya Marcus.

Honestly, ano bang dapat kong sabihin o maramdaman? Alam ni Kuya at ibig sabihin ay hindi kami maingat. We should be alarmed. Alam niya pero... Okay lang sa kanya?

Kaya ba kampante si Xander na makaka alis kami bukas? Dahil alam ng kapatid ko at maaaring tulungan siya nito. Hindi ba galit sa akin si Kuya Marcus? Hindi man lang ba niya ako babawalin?

Hindi sa nag rereklamo. Dapat nga ay magpasalamat pa ako pero hindi ko maiwasan na mapaisip. Masyado ba akong nag iisip ng kung anu-ano at ganito lang kagaan na natatanggap nila kami... O nakakampante lang ako dahil hindi naman si Mamu itong katabi ko.

"Hindi mo... Hindi mo binawal?" si Margou.

Umiling si Kuya.

"Hindi sila magpinsan." tumingin sa akin si Kuya. "Alam natin iyon at kung... Mahal siya ni Xander, wala tayong karapatan na humadlang."

Napa awang ang labi ko sa sinasabi ni kuya. Ano to?

"Pero..."

Isinantabi ko ang pagtataka ko sa mga sinabi ni Kuya Marcus at agad na hinarap ang pinsan. Litong lito na siya ngayon at napasandal na sa counter. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Margou, please. I know what I did pero kung magsusumbong ka-"

Kunot noo akong hinarap ni Margou. Halatang iritado ang itsura.

"I ain't no snitch, Jessica. Hindi ko gagawin yun. I'm shocked, yes. Pero I'm not againts your relationship with Xander. I'll never be the reason your ass will get busted."

At dahil doon ay natahimik ako. Am I hearing this right? Her nose is still red and her eyes are still puffy from crying. Hindi ko napansin na nakabitaw na pala ako sa kamay niya. Kinuha niyang muli ang palad ko at siya naman ngayon ang humawak.

"What you have with Xander is still forbidden. At sabi mo na alam mo yun. By or not by blood, Xander is your cousin. Lalo na para kila Mamu." tumingin siya kay Kuya Marcus.

"Hindi sila magkadugo-"

"Oo nga, Marcus. But it's not a secret how mamu hates Jessica. We are all aware of that and Xander is one of his favorite grandson. Mamu will raise hell if she found out about this." tumingin siya sa akin. "Walang sikreto ang hindi nabubunyag, Jessica. Alam mo iyan. And when that time comes, I'll be on your side."

Ngumiti siya. At kahit na may tumutulong luha at napangiti rin ako. Is this a dream? If it us then please don't wake me up. Ayoko nang magising at gusto ko ganito na lang ako.

"May iba pa bang nakaka alam?" binalingan ngayon ni Margou si Marcus. Napatingin din ako sa kapatid.

Nag krus ang mga balikat niya sa dibdid niya. Ang kanang kamay ay nasa mukha ngayon at marahang hinahawakan ang kanyang baba.

"Hmm. Deo is suspicious pero walang sinasabi."

Sumulyap ulit sa akin si Margou.

"I admit it. Hindi magaling magtago si Jessica at Xander. Sooner or later baka lahat sila ay maka halata na."

"Wala naman plano si Xander na itago, Marg. Hindi ko lang alam kung pinipigilan siya ni Jessica kaya hindi pa umaamin," si Kuya Marcus.

"Hindi pa. "Pa" Marcus. May balak si Xander. I don't think it will be good for Jessica."

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now