Kabanata 27

32 1 0
                                    


Kabanata 27

Exit

Palipat-lipat ang mga mata niya sa akin. Hindi ko alam kung natuyuan na ba ako ng lalamunan o baka naputol na ang dila ko dahil wala talaga akong masabi. Napaka lapit niya sa akin para sa normal na distansya at ramdam ko ang init ng hininga niya. Kung di ko lang nakita ang kapatid ko na dumaan sa isle na ito at mukhang naliligaw ay di ako makakabalik sa wisyo ko.

"B-Brent!" sigaw ko at medyo naitulak si Xander.

Umatras naman siya. Kinuha ko ang pag kakataon na iyon para umalis sa harap niya at takbuhin ang kapatid. Buti na lang at di pa nakakalayo si Brent.

"Uy, Brent," kahit na nanginginig ang kamay ay kinalabit ko ang kapatid ko na tuloy tuloy pa rin sa pag lalakad. Nilingon niya ako.

"Ate, ikaw pala," aniya at para bang iniiwasang makipag eye contact sa akin.

Kumunot ang noo ko. Mabagal lang siyang naglalakad ng lumagpas siya sa isle kung nasaan kami ni Xander kaya hindi pwedeng hindi niya ako marinig ko maaninagan man lang kami.

"Bakit ang tagal mo ata? Maraming tao sa comfort room?" tanong ko habang inaakay ko siya pabalik sa kung saan naiwan si Xander.

Ngayon na nandito na si Brent, sa kanya na lang ako mag fo-focus. Ayokong maiwan na naman mag isa kay Xander. Delikado lagi.

"Nag ikot lang ako ate," nagkibit siya ng balikat.

Tumagos ang tingin niya mula sakin hanggang sa likod ko. Tumingin din ako doon at nakita lumabas si Xander sa isle na pinang galingan ko habang tinutulak ang cart. Nakangiti na siya ngayon at malayo sa mukhang ipinakita niya kanina.

"Took you long enough, Brent?" si Xander ng makalapit sa amin.

"Nag ikot ako, kuya," aniya at sumulyap sa akin.

"Sige mag iikot ako ulit!" aniya at sa isang iglap ay tumakbo na lang kung saan.

"Uy! Brent!" sigaw ko. Nagkatinginan kami ni Xander.

He mirrored my expression. Pareho kami nagtataka sa biglang pag alis ni Brent. Bakit ba ganun ang asta nun? Ano bang nakain nun? Okay naman siya kanina ha?

At ngayon ay naiwan na naman ako kay Xander. I kept my distance again. Kahit na sumusulyap siya ay wala naman na siyang sinabi. Ilang saglit din kami na puro lakad lang at hindi rin siya naka tingin sa kung ano pa ang bibilin sa listahan sa phone niya.

Napaka tahimik namin kaya gumawa na ako ng paraan para maibsan ang katahimikan. I'm not used to his silence too.

"Ano pa ba ang kailangang kunin?" tinignan ko ang cart na hindi naman ganon karami ang laman.

Kahit na itago niya ay kita ko ang bakas ng kalungkutan sa mukha niya. Huminga siya ng malalim bago ngumiti. Yung ngiting parang walang nangyari.

"Here. Have my phone. Nariyan lahat," inilahat niya sa akin ang itim na cellphone niya na ngayon ay nakapatay pa.

Tinignan ko lang iyon. Bakit ganito kasimpleng bagay ay kinikilig na ako. Parang bumabaliktad na ang sikmura ko pero hindi dahil sa naduduwal ako. Nag iwas ako ng tingin.

"Unlock it. Ibigay mo pag nakabukas na," sabi ko.

Ngumiti siya at pilit na inabot ang cellphone sa akin. "Walang password."

Nagkatinginan kami. Ngumisi siya at ngumuso sa cellphone kaya kinuha ko na lang. Pinindot ko ang home button at bumukas iyon. Hindi ko mawari ang lock screen picture niya dahil naka blur iyon.

"Ikaw yan," nagtaas ako ng tingin sa kanya. Ako ang alin?

"Yung wallpaper ko. Naka blur lang," nakangisi siya ng sabihin iyon.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now