Kabanata 50

34 1 0
                                    

Kabanata 50

Tama ba?

I cried into Kuya Marcus' arms when he came. Si Margou ang nag explain ng lahat. Naka akap lang ako sa kapatid ko. My brain is not functioning. Hindi ko alam ang gagawin ko. I just wanna ditch the party pero ayokong malaman ni Xander. Ayokong makita niya na umiiyak ako.

"Do you want to go home? Pwede natin sabihin na sumama ang pakiramdam mo, Jes..." Mahinahon na sambit ni Kuya Marcus habang akap pa rin ako. Umiling lang ako at hindi pa rin nag salita.

"If you don't wanna go hone then you need to fix yourself na. Nagchat na si Chloe. Mamu and Papsi's here." Si Margou.

Humihikbi pa ako nang bumitaw sa yakap kay Kuya Marcus. Naka pako sa akin ang tingin niya at pinapanood ang bawat galaw ko. I wiped my tears with a tissue. I'm not going home. Baka sundan pa ako ni Xander. Andiyan ang mga kapatid niya at hahanapin siya. I can just sit down in my chair the whole night.

"Margou, do you have your face powder," buong lakas kong pinipigilang madurog ang boses ko.

Tumango ang pinsan ko at kinuga sa bag niya ang hinihingi ko. I grabbed it from her hand before excusing myself from the both of them. Pumasok ako sa isang common bathroom at sinarado ang pinto. I saw my reflection from the mirror. My eyed are so swollen but I can just wash my face. Mawawala din ito agad.

I fixed myself. Kahit na minsang natutulala dahil hindi ko alam kung alin sa mga nararamdaman ko ang uunahin kong pangalanan. Naghahalo halo na at parang gusto ko na lang makatulog at umiwas. I put on a face powder and a liptint. Sana ay hindi ja gaanong halata ang mata ko.

Tahimik akong lumabas ng banyo. Nasa labas si Kuya Marcus at Margou na naghihintay sa akin. Walang pasabi ay nauna na akong maglakad at sumunod sila. Boses ng MC ang narinig ko nang nasa dulo na kami ng hagdan. Then slowly, low cheers and claps invaded my ears. Nang nakalabas na kami sa garden ay agad kong hinanap ang lamesa kung saan ako nakaupo kanina. Tahimik kong tinahak iyon.

May dalawang bakanteng upuan sa lamesa nila Kuya Ken. Sa gitna iyon ni Ayana at Brent. Umupo ako sa tabi ng kapatid ko. Wala naman pumansin sa akin sa lamesa pwera kay Xander na nasa akin ang tingin. Nasa gilid siya ni Chloe. Everyone else is busy watching Mamu and Papsi make their way to the table in front pero si Xander ay nasa akin ang tingin. Di kalaunan ay tumabi na si Margou sa amin. Sila ang mga kasama ko sa lamesa pati na sila Kuya Ken at Deo. Kuya Marcus sat on the other table with the rest of my cousins.

Nararamdaman ko sa gilid ko ang paninitig ni Xander kaya kinuha ko na ang cellphone ko para i-text siya. Mayroon na namang mga bagong text na nakaligtaan ko.

Globe: I hope you're really okay.

Globe: Marcus went inside too. Jessica gusto kitang puntahan.

Globe: Nasaan na kayo? The party us starting.

Bago pa man ako makapag tipa ng gusto kong sabihin ay may text muli na dumating galing sa kanya.

Globe: Were you crying?

Nagtipa agad ako.

Ako: No. Ayos lang ako. Please stop starring at me. Baka mahalata ni Chinky.

Pagkasend ko ay tinago ko na muli ang cellphone ko at ibinigay ang atensyon sa nasa harap kahit na lumilipad ang isip ko. My head is clouded with scary thoughts. Maybe later tonight magsusumbong na si Chinky. Magagalit ang mga pinsan ko sa akin. Maybe Kuya Ken will get mad at me. We'll get caught and I will disappoint my parents.

Dumapo ang mata ko sa lamesa nila Mommy. Kasama niya ang iba ko pang tito at tita. I saw mommy in their table beside daddy. She looks very bothered habang kausap si Tita Lorraine. Tito Deo wiped his mouth with a napkin habang kausap siya ni daddy. All of a sudden they both looked at our table at kalaunan ay nasa akin na ang tingin. My heart boomed. Nagsabi na ba si Chinky?

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now