Kabanata 31

30 1 0
                                    

Kabanata 31

Behave

Hindi ko nga kayang matulog ng hindi ko siya nakakausap. Kanina ngang 9 ay dumating ang girls at bandang alas dyis ng umalis ang mga lalaki. Napilit ni Deo na sumama si Xander sa kanila kaya maligayang maligaya ito. Samantalang ako naman ang nag entertain sa mga pinsan kong babae.

Nanuod kami ng movie sa kwarto ko pagkatapos umalis ng boys pero 11 pa lang ay tulog na ang mga ito. Hindi pa nila natatapos ang movie kaya pinatay ko na lang din iyon at ngayong alas dose na ay dilat pa rin ako.

Sa text nga kami nag uusap. Nabilis siyang mag reply sa kada text ko kaya naisipan kong bagalan mag reply. Nakakahiya naman kasi na sumama nga siya sa mga pinsan namin pero nasa cellphone naman ang atensyon niya.

Pero hindi ko na talaga natagalan kaya kahit ako ay mabilis nang mag reply. Napansin niya iyon kaya nagtanong na siya.

Xander: Nandito kami sa No Bad Days ngayon. Ang bilis mo na mag reply. Tapos na kayo sa movie?

Napa ahon ako sa pagkaka higa pero iningatan na hindi magising si Margou na siyang katabi ko.

Ako: Oo. Kanina pa actually. Hindi lang takaga ako makatulog.

At tulad nga ng sinabi ko, mabilis siya mag reply.

Xander: Bakit? May nararamdaman ka bang di maganda?

Tumango ako kahit na hindi niya naman makikita. Oo. Masama ang pakiramdam ko kasi hindi kita makausap ngayon at tingin ko hindi naman tama. Ang OA ko na ba?

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na wala akong nararamdaman o aaminin kong hindi nga maganda ang pakiramdam ko dahil hindj ko siya kausap?

Ako: Hindi. Ayos lang ako.

Hindi nagtagal bago ulit siya nag reply.

Xander: You sure? I wish I could call you.

Napangiti ako sa text niya at agad nag reply. Nung napindot ko na ang send dun ko lang narealize kung anong nireply ko.

Ako: Ako din. I wish that you could just go home so we can talk.

Lumipas ang ilang minuto at hindi na siya nag reply. Nabusy na kaya siya doon? O di kaya ay nalowbat? Bakit ang tagal nitang hindi nag reply. Hindi ako mapakali kaya panandalian akong bumaba para kumuha ng kahit anong maiinom at maibsan ang pagkaka atat at pag hihintay.

Wala pa rin siyang reply ng makabalik ako sa kwarto. 12:30 na ng madaling araw. Ano kayang ginagawa niya?

Relax, Jessica. Malamang ay ibinaba na muna niya ang cellphone niya. Nasa galaan siya ngayon at natural lang na hindi agad siya makareply.

Paulit ulit kong sinabi sa sarili ko iyon at handa na sanang matulog na lang pero bago pa ako makahiga ulit ay tumunog ang cellphone kl at mabilis kong kinuha iyon.

Xander: Can I call you now?

Napakunot ang noo ko. Bakit siya tatawag? Maingay sa No Bad Days at posibleng hindi rin kami magka intindihan. Muli siyang nag reply at animo'y parang sinagot ang tanong ko.

Xander: Umuwi na ako. Nabagot na ako at nakatakas naman ako kay Deo.

Hindi ko alam kung ngingiti ako o maiinis sa kanya sa ginawa niya. Halos isang oras lang ang itinagal niya kasama sila Deo talos umuwi na siya?

Bago pa man ako makareply ay mabilis na nag ring ang cellphone ko hudyat ng tawag niya.

Nagkumahog ako tumayo mula sa kama at dahan dahang naglakad papunta sa pintuan. Nag ingat ako na baka matapakan ko sila Chloe, Chantal at Ayana na nakahiga ngayon sa mga foam na inilatag sa sahig. Saglit naman gumalaw si Kelsey na siyang nasa gilid ni Margou na nasa kama.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now