Kabanata 25

27 1 0
                                    

Kabanata 25

Sundo

Napaka awkward habang naglalakad kami ni Xander sa hallway hanggang sa hagdan papasok sa gym. Inaalalayan niya ako. I can feel his hand on my back. Hindi ko naman alam kung paano ako mag rereklamo. Parang nawala lahat ng tapang ko mula kanina.

Binilisan lang rin namin ang paglalakad dahil baka bumalik yung staff na kumakatok sa sports office. Nang nasa baba na kami ng hagdan ay sabay kaming huminto. Nakayuko lang ako dahil hindi ko siya kayang tignan sa mata. Medyo madilim sa parte na ito kaya hindi kami kita mula sa gym.

Hinahanap niya ang mata ko kaya iwas lang ako ng iwas. Sa tingin niya paano pa ako makakatingin sa kanya pabalik? Ganito ba talaga pag play boy? Argh!

"Bumalik ka na." aniya.

Kinagat ko ang labi ko at nakayukong tumango sa kanya. Tumalikod ako at mabagal na umakyat sa hagdan papuntang bleachers. Gusto ko sana siyang lingunin pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya hindi ko na ginawa. Imbis ay tumuloy lang ako hanggang sa maka baba na ako sa bleachers.

Almost everyone is on the dance floor. Pumunta ako sa table namin kanina at naupo muna roon. Mula dito ay tanaw ko si Kevin na swabeng swabe habang masayang kino-control ang sounds ng paligid. Nasa tabi niya si Kuya Ken at Travis. Hindi ko pa nakikita si Kuya Marcus pero si Deo at Kier ay parehong nasa dance floor at may kasayaw na mga babae. I even saw Evan dancing with a girl as well. Ngumisi ako.

Naroon lang ako at tinatanaw sila. After my conversation with Xander, nag iba na ang ihip ng hangin. Mag hihintay ba talaga siya sa akin? Is everything real? Did that really happened?

Inisa isa ko lahat ng sinabi ni Xander sa akin. He loves me and there is no way of turning back. Hindi kami mag pinsan at iyon ang pinanghahawakan niya. He's not fooling around and that he'll wait for me. He's confident that we feel the same way towards each other. And he was avoiding me because of my reaction on his first confession.

Oo nga at hindi kami mag kadugo. But half of our family hates me now. Paano pa pag nalaman na may ganitong kabalbalan akong ginagawa? Baka palayasin na lang nila ako. Baka sabihin na wala akong utang na loob sa lahat ng mabuting ginawa nila sakin.

Lunod na lunod ako sa mga iniisip ko na kahit ang pag dating ni Chloe at Chantal ay di ko na namalayan. Kinailangan oa akong tapikin ni Chantal para nakuha ang atensyon ko.

"Saan ka ba galing? Bakit namumutla ka?" si Chloe at umupo sa tabi ko.

Umupo rin si Chantal sa kabilang gilid ni Chloe at nag aalalang nakatingin sa akin.

"Ha? Ah! Ano... Nag-CR ako... doon..." tinuro ko ang hagdan sa bleachers.

Sumulyap si Chloe sa kung saan ako tumuro bago ibinalik ang mata sa akin. And then her eyes caught the black coat I'm wearing. Hindi napansin iyon ni Chantal dahil nakatingin siya sa dance floor at bahagyang sumasayaw at sumasabay sa beat na bumabalot sa lugar.

"Kaninong..."

"Picture muna tayo dun!" si Chantal at tinuro ang photo booth. Pareho niya kaming hinatak ni Chloe patayo. Nasapawan ang sinasabi ni Chloe ng biglang tumayo si Chantal at kinuha ang kamay ko.

Nakatingin lang sakin si Chloe hanggang sa makarating kami sa photobooth. Sinuway lang siya ni Chantal para lang tumingin sa camera.

We made a few shots. Ilang man kay Chloe ay sinigurado kong hindi halata sa camera. Pagkatapos nun ay kinuha na namin mula sa machine ang mga picture namin at inisa isang tignan.

Bumalik kami sa table namin. Sinuot ko ulit sa sarili ko ang coat mula kay Xander. Sinamantala ko iyon habang busy si Chloe sa phone niya. At wala pa ata sa limang minuto na naka upo ako at tumayo na naman si Chantal.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now