Kabanata 45

38 1 0
                                    

Kabanata 45

Impatiently

Ngumiti ako kay Deo.

"Ayos lang. Sa garden na kami. Excuse me..." sabi ko at nauna nang lumabas sa roon para magtungo sa garden.

Actually we could've just eat in the living room. Pwede naman na roon. But mamu doesn't want me in her house kaya siya na mismo ang nag sabi na garden. I know that very well.

Naupo ako sa rattan na upuan. Mayroon iyon apat na upuan. Sakto para sa mga pinsan kong hindi nakasama sa hapag sa loob pero kung titignan ay para sa akin lang naman dapat ito. I'm the only one that isn't welcome.

Hindi nagtagal at lumabas na rin si Kuya Marcus, Xander at Chinky. Kasabay nila ang dalawang kasambahay na may dalang ulam at mfa kubyertos. Nagtama ang mata namin ni Xander habang naglalakad siya patungo sa kinaroroonan ko. Nag iwas na lamang ako ng tingin nang kumapit si Chinky sa braso niya. I felt a pinch in my heart.

Xander took the chair on my left. Sinulyapan siya ni Chinky habang umuupi naman siya sa upuan sa tapat ko. Kuya Marcus sat silently in my left.

Walang nagsalita habang inaayos ng mga kasambahay ang mga kubyertos at pagkain.

"Saglit lang ang tubig," ang isang kasambahay na naunang umalis na sinundan din ng isa.

Walang gumagala. Pasulyap sulyap sa akin si Kuya Marcus. Hindi ko rin malingon si Xander dahil nakatitig sa akin si Chinky. Dumating ang isang kasambahay na mah dalang isang pitsel ng tubig at baso. Wala parin imikan hanggang sa maka alis na ulit ang kasambahay.

Bumuntong hininga si Kuya Marcus sa tabi ko.

"Let's eat. Masamang pinag hihintay ang pagkain."

Gumalaw na siya at kumuha na ng kanin.

"Eat, Jes..." dagdag pa niya nang nakitang hindi ako gumalaw.

Tumango ako. Inabot niya sa akin ang kanin at naglagay ako sa plato ko. Inabot ko kay Xander iyon nang hindi siya tinitignan. Pilit niyang hinahabol ang tingin ko pero iniwas ko rin.

"Hmm..." si Chinky. Napasulyap ako sa kanya. Ngumisi siya.

"Ang sad 'no? Hindi na tayo kasya sa dining room. Masyado kasi tayong marami 'e..." Hindi nakatakas sa pandinig konang sarcasm sa boses niya.

Hindi ako kumibo. Wala ring imik si Xander at Kuya Marcus. Tunog lang ng mahinhing pagtama ng mga kubyertos sa plato ang naririnig.

Natahimik saglit si Chinky habang kumakain kami. Ang bagal ng pagkain ko dahil natitigilan ako sa tuwing nakikita ko ang mga mata niyang sa akin lang nakatingin. I'm not concious at all. Hindi lang ako kumportable sa paninitig niya.

May mga panahon rin na kinakausap niya si Xander pero mabilis nitong pinapatay ang usapan.

"May hot air balloon show ulit sa Clark. Samahan mo ako, Xander? And maybe we could visit some of Tito Alejandro's business? This week perhaps? Para tuloy sundo na tayo..."

"I have no time, Chin. Magiging puno rin ang sasakyan pag sinundo ko sila kaya mas magandang ako na lang mag isa,"

"But I'm not big. They could fit-"

"Be considerate, Chinky. Pagod sila sa flight at kailangan nila ng pahinga sa buong byahe. Makikita mo rin naman sila pag uwi. Wag makulit."

Sumulyap sa akin si Xander nang sabihin niya iyon kay Chinky. Her smile faded. She sigh.

Sa ilang beses na tinitigil ni Xander napulunta sa akin ang pansin ni Chinky.

"Ikaw, Jes? Maybe you can accompany me to that festival? Hindi ka nakasama noon kay Vaughn diba? Bakit na nga?" naningkit ang mata niya.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن