Kabanata 15

37 0 0
                                    

Kabanata 15

Neighbor

Mabilis niyang binuksan ang cover ng trunk ng Ranger niya. Umaabon pa kaya mabilis niyang isinalansan ang mga box sa loob. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang pakinggan ang sinasabi ko. It will be less hassle for him. Plus ayokong isipin ni Chinky na pati si Xander ay inaagaw ko. Though that reason seems absurd for me.

"Xander," tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon habang patuloy na nag lalagay ng mga pinamili sa trunk.

"Xander, kaya ko naman-"

"Kaya mo pero gusto ko'ng tumulong. This is too simple. Wag mo nang pahabain, Jess," malumanay niyang sambit nang bigla niya akong hinarap.

"Pero-"

"Damn. Napaka kulit mo," bulong niya pero sapat na para marinig ko.

Tumalikod ulit siya para ilagay pa ang mga box na natitira sa likuran. Gusto ko sanang tumulong kaso narealize ko ang sinabi niya kaya imbis na kuhanin pa ang isang box ay hindi ko ginawa.

"Paano akong di mangungulit? Ayaw mo naman akong pakinggan?" pag susungit ko nang tuluyan nang maputol ang pasesnya. Ikaw to'ng makulit e!

Padabog niyang ibinaba ang huling box. Hindi ko alam kung padabog nga ba iyon o sadyang mabigat lang ang laman ng nahiling box kaya napalakas ang pag bagsak.

"Pikon rin," nakangiti niyang sambit bago ako kurutin sa ilong.

My body freezes at his sudden action as my lips open. Nabitin ang mga sasabihin. Hindi niya iyon nakita dahil naglakad na siya at nilagpasan ako.

"Sakay na," sabi niya sa likod ko.

I regained my posture quickly. I turned around to face him with sharp eyes at ayaw kong ipahalata ang pagkala gulat, nag martsa ako papunta sa kaniya.

Naka hawak ang isang kamay niya sa pintuan. Ang kabila ay nasa baywang at nakatingin sa akin. He looks happy with that stupid smirk in his face. Lalo tuloy akong nainis.

"Remind me not to do groceries with you again," sabi ko at mabilis na sumakay.

"Sorry may alzheimer's desease ako. Makakalimutan ko rin iyan," aniya at mabilis na isinara ang pintuan.

Umirap ako pero nang makita ang repleksyon sa salamin ay naalala ko ang ginawa niya kanina. Sinamantala ko ang ilang sandaling pag ikot niya papunta sa driver's seat para haplusin ang ilong ko kung saan niya ito kinurot.

That's normal, right?

Tumuwid rin agad ako sa pagkaka upo nang bumukas na ang pintuan niya. Nakangising umakyat si Xander sa Driver's seat habang nanatili akong nakasimangot.

Hindi ako kumikibo. Naki elam na lamang ako sa sasakyan niya at nag patugtog. Hindi naman siya nakielam. Nang balak kong mag connect sa blutooth ay nag failed dahil naka connect ang kanya. Nilingon ko siya. Nakuha naman niya ang gusto ko at agad na kinuha ang cellphone para patayin ang blutooth niya.

Nagpatugtog ako dahil ayokong mag usap kami. Ang totoo, pinapakiramdaman ko parin ang parte ng mukha ko na hinawakan niya. It's so hard to maintain a straight face when you feel something like... like butterflies in your stomach?

I snapped at that thought. Umayos ka, Jessica!

Mabilis rin kaming nakarating sa bahay. Nakabukas ang mga gate at nang tumalat kami doon ay nakita kong nag lilinis ng sasakyan si Kuya Ken at si Deo. Parehong mga nakahubad at jersey shorts lang ang suot. Nag taas lang sila ng tingin nang makita ang sasakyan ni Xander pero nag patuloy parin sa ginagawa.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now