Kabanata 14

33 0 0
                                    

Kabanata 14

Grocery

Nag tagal kami sa labas ng kwarto ni Margou para pag usapan ang suspicious na pag alis ng mga boys that night. We don't want the other girls to find out for an unknown reason. Basta nagkasundo lang kami ni Margou na wag na lang sabihin.

I told her the first night I saw them went out late at night. Tinanong niya rin kasi ako. She's turning into a undercover detective because of this so I have no choice but to tell. But I'm sure to be careful with some of the details that I think is irrelevant and... unreasonable to explain.

Margou is very observant. Kaya hindi ako nagtataka na siya itong nakausap ko tungkol dito sa kabulastugan ng mga pinsan namin plus my brothers. And by means observant she can notice everything. Kaya maingat rin ako sa mga bagay na sinasabi ko. Sadyang nakakahanap lang siya ng butas. Feeling ko tuloy pulis na ang nakausap ko.

Sobrang late na ng natulog kami. Laking pasasalamat ko rin na nakatulog na ako. Ako rin ang huling nagising kinabukasan. Kung hindi pa ako yugyugin ni Margou ay baka hapon na ako gumising.

Bumaba ako at naabutan ang ingay ng boys na nang gagaling sa kusina.

"Good morning, Jessica," Nagkasalubong kami ni Tita Marianna. Nagmano ako.

"Nag prepare na sila Travis ng breakfast sa kusina. Kumain na kayo ng mga pinsan mo," aniya bago ako lagpasan.

True enough ay may breakfast ngang naka handa na. Si Travis at Xander ang nag luluto sa kitchen. Naabutan ko namang nag lalagay ng mga plato si Kuya Marcus at si Kier ang kay dala ng mga baso. Si Deo at Kuya Ken na wala pang pang taas naman ay parehong walang ginagawa. Tahimik lang at tulala habang nakaupo at halatang kakagising lang.

"Morning," si Kuya Marcus. Ngumisi ako.

Tahimik akong umupo sa harap ng hapag sa tabi ni Deo na hanggang ngayon ay tulala. Ni hindi nga niya napansin ang pag upo ko sa tabi niya.

Sa lahat ng babae, si Margou lang ang medyo gumagalaw. Siya ang nag timpla ng juice. She gave me a look when she went to put the pitcher to the table.

"Luto na ba? Nagugutom na 'ko," tamad na umupo si Chantal sa tabi ko.

"Malapit na, señora," tumatawang inilapag ni Kier ang bacon at tsaka bumalik ulit kila Travis.

Nahuli kong nakatingin sa akin si Xander dahil sinundan ko ng tingin si Kier pabalik sa kanila. He turned his gaze when he saw me as a smile flashes his face. At dahil doon ay naalala ko ang pag uusap namin kagabi. Nag iwas rin ako.

"Kain na," anunsyo ni Travis dala ang ilan pang ulam.

Tahimik namang sumunod si Xander dala ang kanin. Sumulyap ako sa kanya. Ganon rin siya. Bakit biglang napaka awkward?

Magkasunod na pumasok ng dining room si Chloe at Ayana. Tinapik ni Kier si Kuya Ken dahil kahit na nag uumpisa nang kumain ang iba ay siya lang itong hindi pa gumagalawa.

"Shirt, Ken." malamig na tinig ni Chantal bago sumubo.

Naghigab pa si Kuya bago gumalaw at gawin ang sinabi ni Chantal. Halatang antok na antok. Nagkatinginan kami ni Margou. Last night we agreed to have an observations. Kaya din siguro kahit inaantok ay gising na gising si Margou.

Normal naman ang lahat. Si kuya Marcus, Kier at Travis lang ang nagkukwentuhan. Minsan sumasali si Chantal na medyo gising na.

"Antok na antok ha? Ano pa bang ginawa niyo kagabi?" akala ko si Margou ang nagsalita pero hindi.

Kier and Travis shared an uneasy glance to each other. Nahuli ko iyon at alam kong nakita rin iyon ni Margou.

"Uminom pa ata sila e," wala sa sariling sagot ni Ayana.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now