Kabanata 38

27 1 0
                                    

Kabanata 38

Highway

Tahimik siyang nagdadrive. Nararamdaman ko ang pag sulyap niya sa akin pero sa bintana lang ako nakatingin. I know he's not entirely mad at me. He's mad at what Chinky did. So why am I this sensitive?

Huminto kami sa tapat ng gate. Inabot ko na ang handle ng pinto nang hawakan ni Xander ang kamay ko.

"Baby..."

Hinila niya ako at hinayaan ko siyang gawin iyon. He intertwined his fingers with mine.

"I'm not mad," he whispered slowly.

"Okay,"

"But why are you silent? Anong iniisip mo?"

Umiling ako. Again, it's on me. Sensitive ako at ako ulit ang may kasalanan and unlike yesterday I won't admit it today.

"Fuck!" he hissed. "I'm sorry. Nainis lang ako kasi handang handa ka na buhusan ni Chinky. Wala kang kasalanan, Jes,"

Wala nga. Yet I'm ready to feel the splash of that drink. Bakit nga ba? Ni hindi ko naisipin kanina na lumayo. Umiwas ako oo pero kayang kaya ko naman mas lumayo. Dahil ba sa sanay na ako sa ginagawa ni Chinky? She did something worst than that in the past.

"Kesa naman ikaw," I croaked out.

"Ako dapat ang nagbabantay sayo. You should never be violated like that. Especially when I'm with you."

Hindi ako sumagot kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. He's so thoughtful habang ako ay wala sa lugar ang pag tatampo. Hay nako, Jessica!

"Baby, what are you thinking? You're frustrating me with your silence," miserableng miserable si Xander sa tabi ko.

At kahit na ayaw ko ay bahagya akong nangiti.

"Now you're smiling. Talk to me!" he kissed the back of my hand.

Umiling ako at tinago ang ngiti.

"Wala. You're right. Wala naman akong kasalanan so hindi ko deserve na sabuyan ni Chinky."

He sigh. "I'm sorry for my rudeness, baby. You stress me with your kindness. I'd like to see you beat the hell out of Chinky."

Nagulat ako sa sinabi niya. Napabaling ako sa kanya para tignan kung nag bibiro ba siya pero seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Ngumisi na lang ako. Having you on my side is enough. I don't need to pick a fight just to prove something.

Umuwi ako nun ng maayos ang pakiramdam. Day by day I'm feeling very dependent on Xander when it comes to my feelings. Hindu maganda mung tatanungin ako pero alam ko namang habang pinipigilan ko, lalo akong nahuhulog.

Umuwi rin siya sa kanila. Wala akong sinabihan sa mga pinsan ko tungkol sa nangyari sa Bon Chon. Nakaramdam din ako ng lungkot nang narealize ko an hindi ko rin maikukwento kay Evan iyon. Telling him a bit of the story means telling him everything. Hindi pa naman papayag iyon na hindi niya alam lahat ng detalye.

At kahit na wala akong sinabihan, kumalat naman ang balita. Maybe from one group of friends to another? Hindi ko alam. Nagulat na lang ako nang hindi magkamayaw ang chats at text ng mga pinsan ko kinaumagahan ng lunes. Kahit si Evan na mukhang nag tatampo sa akin ay hindi na napigilan.

Alas nuebe nang tuluyan akong nagising sa tuloy tuloy na vibration at pag riring ng cellphone ko sa gilid ng unan ko. Flood messages.

Kahit na may good morning text si Xander ay hindi ko avad nabuksan dahil sa mga naunang messages. Wala akong nagawa kundi ang buksan ang group chat naming mag pipinsan. Nagulat pa nga ako na ang mga naunang message ay mula pa ala sais. Mukhang ito agad ang inasikaso nila pagka gising ha. Hindi muna ako bumangon ng tuluyan para mag backread.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now