Kabanata 30

34 2 0
                                    

Kabanata 30

Scared

Tinawagan nga niya ako ng gabing iyon. Hindi na siya bumaba ng inihatid ako at aniya'y uuwi na lang siya ng maaga para makapag usapkami ng matagal. May pasok pa kasi ako kaya hanggang alas dose ang pinaka matagal na pag uusap namin.

And I woke up feeling energized the next day. Alam kong nariyan na si Xander kaya naligo ako bago bumaba. Wala na si mommy at daddy. Pumasok na rin daw si Brent pati Kuya Xander at si Kuya Ken ay naliligo pa sabi ni manang. I greeted Xander. Agad naman siyang tumayo at sumunod sa akin ng nakitang papunta na ako sa kusina. Hindi muna ako nag bihis dahil masyado pang umaga. Sinigurado ko lang na maayos ang itsura ko pag humarap kay Xander.

"Kumain na kayong dalawa. Kanina ko pa ipinaghain si Xander kasavay sana sa magulang mo pero hihintayin na lang raw kayo ni Kendrick," si manang nang dinalan kami ng juice ni Xander sa dining room.

"Salamat po," sabi ko. Kukunin ko sana ang juice pero naunahan ako ni Xander na kuhain iyon at sinalinan na ako.

Magkatabi kaming nakaupo ngayon. Dapat ay si Kuya Ken ang sa kinauupuan niya pero alam kong hindi papalampasin ni Xander ang pagkakataon na umupo sa tabi ko.

Sinalinan niya rin ang baso niya matapos ang akin. Pareho na kaming kumakain ng siya ang unang nag salita.

"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung saan ka pupunta sa weekend," aniya.

Mula nung gabi ng linggo hanggabg kagabi ay iyon na ang tinatanong niya. Hindi ko masagot dahil wala naman talaga akong pupuntahan. Hindi ko rin masabi sa kanya ang totoo na talagang excuse ko nga lang iyon kay Vaughn dahil nahihiya akong tama ang hula niya.

"I'm still not sure kung tuloy. Kung tuloy nga ay at 'saka ko na sasabihin,"

"Sino ba ang kasama mo na aalis?"

Nakayuko ako pero iginala ang nata sa paligid para maghanap ng sagot.

"Baka si Evan," sabi ko at ambang titingin na sa kanya ng bigla naman niyang isinungaw ang mukha niya palapit sa akin.

Napaka lapit na ng mukha niya sa akin at tumatama na sa ilong ko at dulo ng kaniya kaya umatras pa ako. I think my breath hitched.

"Can I take you out on weekend instead?" Malambing niyang bulong habang ganon parin nag itsura.

Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa labi ko. Tingin ko tuloy ay aatakihin na ako sa puso sa lakas ng pintig nito na tingin ko rin ay rinig niya dahil sa sobrang lapit niya. Ramdam na ramdam ko na rin ang diin ng hawak ko sa kutsara at tinidor ko.

"Uh..."

Ilamg sandali pa nagtagal ang ganong itsura namin. Kung hindi lang kami nakarinig ng kumakalinsing na mga susi ay hindi ako maglalakas loob na itulak siya. Agad akong tumuwid ng pagkaka upo bago pa man din makapasok sa dining room si Kuya Ken na naka ayos at naka uniform na. Umupo siya sa tapat kung saan dapat uupo si Xander.

"Mornin'" Bati niya at nag umpisa ng kumain.

Nanginginig ang kamay kong sumubo muli samantalang itong si Xander ay nakangisi pa. Damn him! Muntik na kaming mahuli!

"Do you have make up on, Jes?" napataas ang tingin ko kay Kuya Ken.

"Ha? Wala," napahawak ako sa pinsgi ko at sumulyap kay Xander bago ibalik ang tingin kay Kuya Ken.

"You're blushing. May lagnat ka?" Tumayo pa siya at inabot ang noo ko sa kahit na nakapagitan ang dining table namin.

"W-wala.." napasulyap ako ulit kay Xander na nakataas na ang kilay kay Kuya Ken na kasalukuyang bumabalik sa pagkaka upo niya.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now