Kabanata 11

38 1 0
                                    

Kabanata 11

Election

"LSSS... Leaders of school, Student of Serenity," mahina kong binasa ang nasa steno pad ni Evan.

"Sana manalo si Evan. Para mas maganda ang takbo ng activities this year," ani ng isang kaklase ko.

It's that time of the year para kay Evan. It's the election. He was once elected as the senior highschool's Governor when he's in 11th grade. Isang taon siyang huminto and now that he's back in grade 12 gusto niyang makuha muli ang pwesto kay Mica na siyang former Governor. Very dramatic.

For him it's like a beauty pageant in disguise. Hindi naman kasi siya makakasali kahit sa Ms. Wesleyan o sa Intrams ng makakalaban niya si Mica 'e. Kaya dito siya sobrang mag fofocus.

And he seems a very good person for that place. Nung nakaraan na siya pa ang Governor ay maganda raw talaga lahat ng activities. Junior high pa lang ako nun pero totoo ngang masaya yung senior high nung siya ang nasa student council. He asked me to run as a grade 12 representative for his partylist but I refused. Tutulong na lang ako sa campaign niya pero hindi ako lalaban.

Also, it's a good way for me to avoid my thoughts about Xander. Atleast kahit sa buong araw lang. Dahil sa gabi lunod na lunod ako lagi sa kakaisip. Linggo na ang lumipas. Nasa dalawa linggo rin siguro iyon.. At sa mga panahon na iyon wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan siya.

Kinabukasan ng gabing nag usap kami ay nasa bahay ulit siya. Late ako nagising non dahil hindi ako nakatulog agad kakaisip sa kung anu-anong bagay.

Hindi ako naligo agad pagkagising ko dahil gutom agad ang naramdaman. Wala sa sarili rin akong lumabas ng kwarto at bumaba. Pero nawala ata ang gutom ko ng makita si Xander na naka upo sa sofa sa salas at nanunuod ng TV. Iikot na sana ako pabalik pero nalingunan na niya ako. Kasabay pa non ang biglang pag sulpot ni Kuya Ken sa likod ko.

"Good morning!" bati ni kuya at agad akong inakbayan.

Hilaw akong ngumiti kay Kuya. Wala na akong takas nito. Sumulyap ako kay Xander na ngayon ay madilim na nakatingin sa akin. Galit? Nakita kaya niyang tatalikod na sana ako? E' ano namang pake niya?

"Breakfast na," si Kuya at inakay na ako sa kusina.

Buti na lang at hindi sumunod si Xander sa amin sa kusina. Laking ginhawa rin sa akin nang hindi ko na siya nakita sa salas. Siguro ay umalis na kasama ni Kuya Ken.

Ganon lagi ang sitwasyon ko sa tuwing nasa bahay siya sa mga nakaraang linggo. Hanggang ngayon ganon parin naman. Pag nakikita ko siya sa campus ay agad akong umiiwas. Nga lang sa panahon na 'to hindi ko na nakikitang magkasama sila ni Dianne. Hindi na rin niya ito hinahatid sa classroom.

Bakit kaya? Gusto kong tanungin si Dianne pero mukha namang tanga kung tatanungin ko pa iyon. At tsaka sinabi na rin naman ni Xander na may gusto siyang... iba. Kaya baka yun ang kasama niya.

"Labas lang ako ha," paalam ni Shane, kaklase ko.

Lumabas siya ng room at naiwan akong mag isa dito sa room. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kaklase ko. Baka nangapit bahay dahil bakante kami sa mga susunod na subjects.

Lunod lang ako sa pag browse sa cellphone ko ng halos matanggal sa hamba ang pintuan ng buksan iyon ng iritadong si Evan. Agad niya rin iyong sinarado. Padabog siyang naglakad papunta sa bakanteng upuan sa tabi ko. Medyo lumayo pa nga ako dahil muntik akong tamaan ng arm chair na nabunggo niya.

"Van, bakit?" tanong ko ng nakaupo na siya sa tabi ko.

Kinalabit ko siya para pansinin ako. Tagumpay naman kasi agad niya akong nilingon habang naka poker face.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now