Wakas

45 1 0
                                    

Wakas

"Kung ako sa'yo yun ang ipapabili ko kay Tito. Para kahit after school makakapag laro tayo nang hindi sa bahay lang nila Xander," si Kier.

Nasa sasakyan namin kami ngayon. Katabi ko si Deo at nasa likod si Ken at Kier na siyang nag uusap. May sundo naman silang tatlo pero dahil hindi pa rin uwian ni Travis at Marcus, nauna na si Deo at Kendrick at sumabay na sa akin. Saling pusa lang si Kier at nainggit na magkakasama kaming tatlo.

"Yun nga sabi ko kay kuya. Kaso nag hihigpit si daddy sa kanya dahil nawiwili sa laro kaya pati ako damay." Sagot ni Deo.

Tito Deo is a politician. Hindi niya sinasabi na sumunod ang sino man sa anak niya pero ayaw niyang may pangit na image ang mga anak lalo na ang dalawang lalaki. Maybe the reason he won't buy them Ps4.

"Ako nakapag pabili na. Pumayag si daddy kasi pareho kami ni Kuya na gusto nun,"

"Talaga? Tara sa inyo!" Excited na sambit ni Deo nang narinig ang sinabi ni Ken.

Umirap ako. Sabi na nga ba at mag aaya ang mga 'to kung saan. At sa lahat ng bahay, kila Ken pa talaga. Hindi sa ayoko sa bahay nila. Ayoko lang may abutan ako roon at matrato na naman ako na pqra bang ayaw na naroon ako.

Busy akong naglalaro sa cellphone ko nang kalabitin ako ng katabi ko.

"Sabihin mo sa driver mo kila Ken muna tayo." parang demonyong bumubulong sa akin si Deo nang sabihin iyon.

Nag exit ako sa nilalaro ko at tumuwid sa pagkaka upo.

"Manong kila Ken po. Bababa sila dun..." sambit ko.

Agad akong sinapak ni Deo.

"Anong bababa? Kasama ka gago. Maglaro muna tayo dun, bro."

Umiling ako.

"Uuwi na ko. Maglaro na lang tayo mamaya pero dun ako sa bahay,"

"Tara na!"

"Wag kj boy!"

Hindi ako nakatakas sa kanila. Mabilis akong hinatak ni Deo pababa nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Nauna na sa loob si Ken at Kier. Hinawi ko ang kamay ni Deo.

"Uuwi na ko, boy,"

"What?" angal nito. "Wag kang kj. Maaga pa naman at di rin magagalit sila tito dahil narito ka lang."

Hindi nasunod ang gusto ko. Nagpaalam lang ako sa driver namin at labag sa loob ko nang pumasok na ako sa sala nila. Naroon na si Kier at nakaupo sa sofa. Si Ken ay nasa tapat ng tv at nagse-set up ng ps4.

"Jessica!"

Nawala sa tabi ko si Deo at tumakbo sa batang babaeng nakaupo sa tabi ni Kier. Ginulo niya ang buhok ng batang nakaupo at tumabi roon. Napahinto ako. She's here. Maybe I should just go. I don't wanna upset her because of my presence.

Nakabungisngis si Jessica kay Deo habang kinakaladya siya nito. Nanatili naman akong nakatayo sa likod ng sofa nila. Napansin ako ni Kier kaya tinawag niya ako.

"Dun ka na bro," aniya at tinuro ang pang isahang sofa sa gilid niya.

Hindi pa rin ako napansin ni Jessica dahil nagkakaladyaan pa rin sila. Kumunot ang noo ko. Ang gulo mo, Alexander. Ayaw mong narito dahil baka mainis siya sa presensya mo pero gusto mo naman na mapansin ka niya dahil narito ka na?

Bumuntong hininga ako at pumunta na lang sa sinabing sofa.

Ken and Deo started playing. Si Kier ang todo side comments sa laro ng dalawa. Sa gitna ni Kier at Deo at si Jessica na tahimik na nanunuod sa kanila. Minsang kumukunot ang noo niya dahil sa ingay ni Kier pero tumatawa rin.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu