Kabanata 17

39 0 0
                                    

Kabanata 17

Cute

Maybe days like this are my kind of normal day. Ang malunod sa kakaisip kay Xander habang tumatagal. Wala nang araw na hindi ko siya iniisip. Wala nang araw na tahimik ang puso at isipan ko dahil lang sa isang tao.

It's been, what, weeks? Months? I don't know. Bumibilib na nga ako sa sarili ko dahil nakakayanan ko ang ganitong sitwasyon sa loob ng matagal-tagal na panahon. But I don't think it's something to be proud of though.

At katulad ng lagi kong ginagawa, nililibang ko ang sarili ko sa mga bagay. Katulad na lamang ng pag tulong muli kay Evan para sa paghahanda sa acquaintance. Minsan iniisip ko na nasasapawan ko na ang lugar ng vice governor. Mas madalas pa ata kasi ako na kasama ni Evan sap ag hahanda ng mga detalye sa bawat occasion sa school. I don't mind being this busy. Kaysa naman ang mamalagi sa bahay.

We went to a boutique shop that weekend. Sinabi ko kay Evan na hindi muna ako makakapunta sa kanila dahil iyon ang bilin ni Mommy. Maaga akong gumising at gumayak. Uniform na agad ang suot ko dahil sabi ni mommy ay didretso na ako sa school pagkatapos akong sukatan at pag usapan ang gown na plano para sa akin.

Expected ko na rin na naroon na agad si Xander ng ganon kaaga. At hindi nga ako nag kamali ng pagka baba ko ay naroon na rin siya sa sala kasama si Brent at nanonood ng TV. His head is lazily resting on the sofa's backrest. Ang mga mata'y napipikit. Napabuntong hininga ako. He must like Penny so much na sa ganito kaaga ay narito na siya. Naaalala kong late na siya umuwi kagai dahil nag inuman ata sila ng mga kuya at pinsan kong lalaki sa pool side kaya siguro antok na antok pa.

Kung iisipin, bakit nga ba ganito kaaga siyang nandito? Hula ko ay alas siete pa lamang ay narito na siya. Malapit man ang bahay niya paniguradong maaga parin siyang gumigising. Pero siguro ganon nga niya kagusto si Penny. Siguro ay sabay rin silang pumapasok. Or not? Nag aaral pa ba si Penny? Because I don't remember seeing her on the campus.

"Morning, ate," bati ni Brent ng makitang pababa ako ng hagdan.

Mabilis na dumilat si Xander. Tumuwid siya sa pag kakaupo at nakatanaw sa akin ng bumaba na ako ng tuluyan.

"Morning," bati ko. Para iyon kay Brent pero hindi ko napansing kay Xander pala ako nakatingin nang nagsalita ako.

"Hindi mo ba babatiin si kuya Xander, ate? He came here early just to see you," nasa tv ang mata ni Brent nang una pero lumipat iyon sa akin nang matapos siya magsalita.

Bahagya akong natigilan roon pero mabilis rin na nakabawi lalo na at hindi naman kumibo si Xander para ideny iyon. He did not even flinch on what my brother just said. Instead, his attention is on me. Binaba ko ang dalang back pack sa sofa na nasa harap ko. Hilaw akong tumawa.

"Hindi ako ang ipinunta ng kuya Xander mo dito, Brent." Sabi ko at matamis na ngumiti sa kapatid ko kahit ba napaka pait na ng nararamdaman ko.

Kumunot ang noo ni Xander ng masulyapan ko siya. Bakit? Totoo naman 'di ba?

"And besides, he's always here. He's always early," sabi ko.

"But Kuya Xander just said that. He wants to see you and you should appreciate it ate." argumento ng kapatid.

Pinagkrus ko ang braso sa dibdib. Ano bang pinakain ni Xander sa kapatid ko? He's head over heels, huh.

"Oh I would really appreciate it, Brent. Kung ako nga lang talaga ang sadya,"

Huli na ng marealize ko ang ibig kong sabihin sa mga nasambit na salita nang makita ang ngisi ni Xander sa mukha niya. Ramdam na ramdam ko ang init sa mukha ko kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora