Kabanata 18

34 2 0
                                    

Kabanata 18

Lunch

Nanlaki ng mata ko sa sinabi niya. Hindi ko siya nilingon at kunyari ay inabala ko na lang ang sarili ko. Jealous? Halata na naman ba ako?

"Anong sinasabi mo..."

Kunyari ay kalmado lang ako pero ang totoo ay napaka riin na rin ng pagkaka hawak ko sa tela ng uniform ko. Tingin ko ay lukot na iyon. God, sana nga bumaba na ako kanina. Kailangan ko na talagang iwasan si Xander.

"Hmm.." Iyon lamang ang sinabi niya.

Ilang sandaling tumahimik sa sasakyan. Ang kanta lang na naka play mula sa cellphone ko na naka connect sa stereo ang nagiging ingay sa pagitan namin. Medyo traffic kaya madalas ang pag hinto ng sasakyan.

Nakalagay sa dash board ang phone ko. Naka vibrate mode lang iyon pero ng may nag notification ay pareho namin narinig ni Xander dahil kasabay ng vibration ang pag katapos ng isang kanta.

Nakatingin na agad si Xander sa kinalalagyan ng cellphone ko nang sumulyap ako sa kanya. Para bang gusto na niyang kuhanin iyon at siya na mismo ang tumingin sa notification. Agad ko naman kinuha iyon. Text ni Vaughn ang nag notif.

Vaughn: Good! Nagreply ka. Ilang araw na kitang nakikita sa campus pero hindi kita nalalapitan.

It was a friendly text but I can't even type a response. Especially when Xander is trying to peek to my phone. Mabilis ko'ng iniiwas ang cellphone ko sa paningin niya. Umayos ako sa pag kakaupo ko at hindi siya nilingon kahit alam ko na nakatingin siya sa akin.

"Si Vaughn?" I heard an unfamilliar tone from him.

Tumango ako. Unsure of what to answer. Hindi naman ako dapat na kinakanabahan 'e. But here I am looking like a child who did something very disrespectful. Napahawak ako sa leeg ko kung saan nakapa ko ang kwintas ko.

I saw him shook his head from my peripheral view. Sumulyap ako ng saglit sa kanya. The smile on his face is now gone. Nakasimangot na naman siya ngayon. He's pouting his lips. Kunot noo ring nakatingin sa harapan.

"Is he courting you?" mababa ang boses niya ng tanungin iyon.

"No." malamig kong sinabi. I shifts awkwardly in my seat. Hindi ko malaman kung bakit nga ba ako kinakabahan.

"Then what's with the texting?" he glanced at me.

"Why are you asking?" I fired back.

"You ask about Penny all the time. So I'm doing the same thing."

"Hindi naman porket nag ti-text na ay nanliligaw na." sagot ko.

"Right..." may sinabi pa siya pero pabulong na kaya hindi ko na narinig.

"And it's not like laging nag pupunta si Vaughn sa bahay bara manligaw. Like you..." umirap ako.

"Hindi ko nga sabi nililigawan si Penny-"

"Then explain your constant visit in my house? Kulang na nga lang at doon ka na matulog e',"

The car went to a full stop because of the red light. Naging way niya iyon para harapin ako. His eyes are so mad and he looks like he's ready for an arguement.

"It's not about Penny, Jessica. Ilang beses ko ba dapat na ipaliwanag-"

"Nasaan ang paliwanag, Xander? Sige nga,"

Sa mga pagkakataon na ito ay bumibilib ako sa sarili ko dahil kaya kong tagalan ang pag titig sa kanya pabalik. Hindi nga lang kasing tagal ng kanya. Nag iwas na ako ng tingin ng di natagalan ang paninitig niya at pinag krus na lang ang braso sa dibdib.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now