Kabanata 2

51 3 0
                                    

Kabanata 2

Worried

Nag stay kami sa veranda sa second floor. Iyak lang ng iyak si Chloe kahit naka alis na si Chinky. May mga kalmot siya sa braso kaya ginamot yun ni Chantal habang pinapakalma siya. Sabi din nila kuya na napakiusapan na nila si Manang na wag ng mag banggit kila mommy dahil "simpleng" away lang naman daw iyon.

Tinanong ko kanina si Margou sa nangyari dahil wala akong kaalam alam.

"Chinky kissed Dave. Lasing na si Dave pero nakita yun ni Kier at Travis. They're both mad of course pero mas nauna si Kier na sumuntok. Dito kami dumiretso dahil umiiyak lang si Chinky at wala ang parents mo. Tapos kaninang umaga nakita kong lumabas ng guest room si Chloe tapos ayun at nag away na sila," yun ang paliwanag niya.

Hindi ko alam kung bakit nandito si Chinky gayong hindi naman talaga siya madalas na nag pupunta dito pero dahil alam ng lahat na may attitude siya paniguradong sinadya niyang pumunta dito.

Hindi ganito si Chloe. She's very much a jolly person. May kasungitan man e hindi naman masama ang ugali. And to see her like this, crying her ass out and looking like a mess, paniguradong nasaktan siya kay Dave. May isang taon na rin ata siya at sa ngayon si Dave ang pinaka matagal niyang naging boyfriend. Minsan hindi na rin namin maintindihan kung hanggang saan pa ang mga kayang gawin at sikmurain ni Chinky para lang mag cause ng problema.

Nakatabi lang ako kay Chloe at hinahagod ang likod niya. Medyo tumahan na siya pero may mga luhang parin na pumapatak mula sa mata niya. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa ganitong pagkakataon. Hindi katulad ni Margou at Chantal na napapakalma si Chloe.

"Bakit ba iniiyakan yung Fuck boy na yun? Hindi ko nga alam kung bakit nagtagal kayo nun e," pagdidiwara ni Chantal.

Naka indian sit si Chloe habang akap ang isang throw pillow. Naka palibot sa kanya lahat ng tissueng gamit nya. Nasa kanan niya ako at nasa kabila si Margou. Nasa harap naman niya si Chantal na naka upo sa lamesa habang pinapangaralan siya.

"Matino si Dave kaya talagang malandi lang si Chinky," si Chloe sabay punas ng luha niya.

"Walang matino na hahalik sa iba lasing man o hindi," si kuya Marcus na tamad na naka upo sa kabilang sofa katabi si Kier.

Hindi nakakibo si Chloe don. Inabot niya yung baso sa gilid ni Chantal pero wala ng laman kaya hindi siya nakainom.

Magsasalita pa sana si Chantal ng biglang dumating si Ayana at Kelsey na parehong mukhang nag aalala.

"Chlo, ano nangyari?" agad na lumapit si Ayana kay Chloe kaya ako yung tumayo.

Tumabi rin si Kelsey at pinaulanan na ng tanong si Chloe. Si Margou na ang nagkwento ulit. Kinuha ko naman iyong pitsel sa gilid ni Chantal para makakuha pa ng juice sa baba ng pansinin ako ni Deo na kakalabas lang dito sa veranda kasama si Kuya Ken.

"Shirt ko yan ha," aniya at tinignan ako.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang kulay army green na large shirt na suot ko ngayon. Hindi ko alam kung kanino to pero sinuot ko na lang kagabi at tsaka natulog. Ngumiti ako sa kanya.

"Nailagay ata ni manag sa damitan ko e. Ibabalik ko naman," sabi ko. Lalakad na sana ako ng batiin pa niya ako ng isa pang beses.

"Wag na. Baka mapahiran pa ko ng maruming-," hindi na siya natapos dahil tinulak na siya ni Kuya Ken na natatawa rin sa sinabi niya.

Umirap na lang ako sa kawalan at dumiretso na sa hagdam. Habang naglalakad pababa ay nakasalubong ko si Xander na kakapasok lang sa pinto.

Ingay galing sa pinapanuod na cartoon lang ni Brent ang ingay sa sala. Naiwan ang mata niya sakin ng isarado ang pinto.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now