Kabanata 13

30 1 0
                                    

Kabanata 13

Night out

"We miss you na, Jim!" Ngumisi si Chloe bago itake ang shot na para sa kanya.

"It doesn't look like you miss me," ngumisi rin si Jim.

"We do!" humahagikgik na ipinasa ni Chloe ang cellphone kay Ayana.

"Kausap niyo ba si Jim? Kaya pala 'di namin matawagan 'e," nagkamot ng ulo si Deo at dinungaw muli ang cellphone niya.

Binaliwala siya ni Ayana at binalingan ang kapatid.

"Kuya! Wish you were here," nag pout pa kunyari si Ayana at umiling lang si Jim.

Dahil katabi ko si Ayana ay dumungaw ako sa camera para makita ako ni Jim sa video call.

"Hi Jim!" masaya kong bati.

"Mukhang ang saya niyo diyan," nagtaas siya ng kilay kaya tumawa kami ni Ayana.

"Kung isinama mo kasi si Ayana diyan pareho kayo ngayon kausap namin sa video call," biglang dumungaw si Travis sa likod namin at pilit pinagkasya ang mukha sa screen.

"Kaya nga hindi ako sumama 'e," si Ayana.

Dalawang araw pa lang na wala si Jim. Pinagalitan na nga siya ng parents niya dahil huli na siyang nag enroll at pumasok. Kaya naman daw niyang humabol kahit isang sem pa ang laktawan niya pero hindi na siya nakalusot sa parents niya kaya't heto kami at kausap na lang siya sa video call habang nasa kwarto niya sa Balanga.

At kami ito rin sa usual night out tuwing sabado ng gabi. This time sa 33rd lang kami dahil kanina ay galing kami sa bahay ni Deo. Tapat lang kasi ito ng bahay nila kaya dito na lang naisipan. I've decided to go dahil tingin ko'y mababaliw na ako kung hindi pa ako sasama at mag liliwaliw. Kung hindi rin ako sasama ay maiiwan ang mag isa sa bahay dahil wala pa sila mommy at daddy nang umuwi ako. Si Brent naman ay nasa mga pinsan namin sa side ni mommy.

And sa totoo lang, wala si Xander ngayon. I don't know where he is but it's a relief na wala siya rito.

Ako, mga pinsan at kuya ko, at mga kaibigan nila ang nandito. Sa dami namin ay limang table ata ang pinag dugtong para magkasya kaming lahat. Marami ring narito na kakilala ng nga pinsan o kuya ko. Na kakilala ko na rin pero hindi namin sila katable. 10:30 pa lang ng gabi at masyado pa 'tong maaga para sa normal na night out.

"Kami nga naman," biglang inagaw ni Kuya Ken ang cellphone kay Ayana at dinala niya ng bumalik sa upuan niya.

Nag usap sila roon. Dumungaw na rin si Deo, Kier at Kuya Marcus doon. Kahit ang iilang kaibigan ay dumungaw sa cellphone ni Chloe kung saan naroon ang video call.

"Shots?" Kinalabit ako ni Vaughn na siyang katabi ko.

Tumango ako at kinuha ang shots na nasalinan na niya. Sinundan ko agad iyon ng chaser. Alcohol never really taste good.

"Pang ilan mo na 'to? 'Di ka pa tipsy?" nakangiting tanong ni Vaughn sa akin.

Hindi ko alam kung pang ilan iyon pero alam kong hindi pa naman ako sumosobra sa sampu kaya wala pa akong nararamdaman na hilo. Umiling na lang ako.

"Kaya ko pa naman," sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay.

"Namana mo ba iyan sa mga kuya mo? The high dosage of alcohol you drink or you're just trained good?"

Natawa ako roon. Hindi dahil sa pagtatanong niya ng dosage na kaya ko'ng inumin pero dahil sa pag point out niya ng mga kapatid ko.

"Or does it really runs in the blood?"

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now