Kabanata 8

31 2 0
                                    

Kabanata 8

Classmate

"Balita 'ko block 5 'yong si Mica?"

Umiling ako. Hindi ko alam.

"Sabi ng source ko doon nga. Buti at hindi natin kaklase. Baka sa susunod kasi hindi 'ko na mapigilan sarili ko sa pagiging pabibo nun 'e,"

Hindi na ako sumagot at nag patuloy sa pag lalakad. Nakasunod sa akin si Evan na patuloy ang pag kukwento ng mga chismis na nasagap niya. Most of it doesn't interest me so I kept silent. Hindi naman ako katulad ni Evan na alam lahat ng istorya sa bawat sulok ng cabanatuan.

Maraming tao. Napaka rami. Nadagdagan na naman ata ang senior high dito sa WUP at parang naging doble ang bilang ng mga estudyante.

"Napaka init!" Reklamo ni Evan.

Totoong napaka init. Ang dami ng tao ay lalong dumadagdag sa init na dala ng napaka araw na panahon. May iilang nag aantay na lamang ng hudyat sa pag pasok sa room nila dahil bago gamitim ng Grade 12 students, gaya ko, ang mga room na naka assign sa amin ay grade 11 muna ang naunang gumamit.

Ilang butil na rin ng pawis ang ngayon ay namumuo na sa noo ko. Manipis lamang ang shirt na suot ko kaya talagang napaka init dito. Kung alam ko lang ay halter top na lamang ako.

"Tara na nga muna sa small canteen," si Evan habang nagpapay-pay sa sarili gamit ang form niya.

Sumang ayon ako kaya sa small canteen kami nag tungo. Saktong naroon naman ang iba kong pinsan na babae pati na iilang kakilala.

"Jes, dito!" kumaway sa akin si Kelsey at minuwestra ang dalawang monoblock sa tabi niya.

Doon nga kami dumiretso. Umupo ako sa tabi ni Kelsey at sa tabi ko si Evan.

Narito si Chloe, Kelsey at Margou. Hindi ko alam kung nasaan si Chloe. Pati si Krisha, Jelina at iilang pa nilang kaklase na kakilala ko na rin.

"Nag lunch na kayo?" si Jelina. Tumango ako.

Kahit na may nakatapat nang electric fan sa table namin ay may namumuo pa rin na pawis sa mukha at leeg ko kaya punas lang ako ng punas. Nagkukwentuhan sila pero hindi ako nakikisali. Lalo lang akong maiinitan kung makikipag chismisan pa ako.

"Kanina ka pa lagay ng lagay ng liptint ha," narinig kong puna ni Kelsey kay Krisha.

Kanina pa nga siya ayos ng ayos sa mukha niya. Di ba siya naiinitan at naka make up pa siya? Kahit na gusto kong umirap ay di ko na ginawa. Naunahan na kasi ako ni Chloe pero hindi naman nila napansin iyon.

"Syempre. Malay mo pormahan na talaga siya ni Xander after nung birthday ni Chloe!" kinikilig na sambit ni Jelina.

"It's a game. Tss.." umirap ulit si Chloe at nagpatuloy sa pakikipag usap sa kung sino mang katabi niya.

"A heated game." simpleng sagot ni Margou na nakikinig lang sa kwentuhan.

"E paano nung gabi? Diba pinuntahan ka kamo ni Xander? Baka naman nililigawan ka na!" pang uusisa pa ni Kelsey.

Bahagya akong napahinto dahil doon. Pinuntahan ni Xander si Krisha? At gabi pa? Madaling araw nang natapos ang party, huh.

Tumatawang umiling lamang si Krisha sa kanila.

"Sus! Ayaw pang magkwento 'o!" sigaw ni Kelsey at hinampas sa braso si krisha kaya nahinto ito sa paglalagay ng liquid blush-on.

Yumuko ako para punasan ang batok ko. Kasabay nun ang pag irap ko para wala nang makakita. Naiinis na naman ako ng di ko alam kung bakit.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now