Kabanata 42

40 1 0
                                    

Kabanata 42

Beg

"Dave..." Natamemeng sambit ni Krisha.

"Oh no..."

Nilingon ko si Chantal na ngayon ay nakatingin na kay Kier. Pinipigilan na siya ngayon ni Travis at Xander.

"What are you doing here? Umalis ka nga!" sigaw ni Chloe sabay higit ng braso niya.

"Chlo, let's talk. Please?" Gulo gulo ang buhol ni Dave. Mukhang nakainom na rin at namumula pa ang mata.

"Fuck off, Dave! I'm trying to have a good time here." masungit na sambit ni Chloe.

Nanatiling tahimik ang lamesa namin. Si Chantal lang ang tumayo para puntahan ang kapatid na gigil na gigil na rin. Ambang tatalikod na si Chloe para sana kumuha ng bagong beer nang marahas siyang hatakin ni Dave pabalik sa kanya. Nagtilian kami sa gulat. Napatayo kami ni Margou dahil muntik nang madulas si Chloe papunta sa bubog na naroon.

"Tangina mo ha!" Mabilis na lumapat sa mukha niya ang kamao ni Kier.

Napatili ako dahil doon. Pareho kami ni Margou na mabilis hinatak ni Evan palayo roon. Nakatayo na rin sila Ayana at sinusubukang awatin si Kier dahil halos daganan na si Dave at paulanan ng suntok.

Agad na umawat si Travis at Xander sa likod niya. Si Kenneth ang humahatak kay Dave mula sa panunugod ni Kier samantalang si Kuya Ken ang humatak kay Chloe palayo sa kumusyon. Ayaw pa magpa awat ni Kier hanggang sa lumabas na iyong pamilyar na lalaki. Kundi ako nagkakamali siya ang may ari ng shooters.

"Awat na Kier," si Kelsey na sumali na sa pag awat.

"Umalis ka dito gago!" sigaw ni Kier habang pilit siyang inilalayo.

Dumaan si Evan sa gitna namin ni Margou para tumulong rin na palayuin na si Kier. Nahirapan sila sa pag papaalis kay Kier roon. Binubulungan na siya ng kung ano ni Travis at Kelsey. Si Chantal naman ang kumausap kay Dave at pilit itong pinapaalis.

"Just go, Dave! Kung ayaw mo makatikim ka ng tig isang suntok mula sa kanila," si Chantal.

Nilingon ko si Chloe na kinakausap ngayon ni Deo at Kuya Ken. Pupuntahan ko na sana siya nang may marahang humablot rin sa braso ko. Nilingon ko iyon at nakita ang maamong mukha ni Vaughn.

"Jes, can we talk? I'm sorry for earlier..." naamoy ko ang alcohol sa hininga niya. Mukhang nakarami na nga siya.

Gusto ko sana siyang paunlakan pero hindi sa mga oras na ito. Kailangan kong puntahan ang pinsan ko. Dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko.

"Mamaya, Vaughn,"

Akala ko makakawala na ako pero pinigilan niya ulit ako.

"Saglit lang, Jessica,"

I bit my lip. Hindi pa rin kumakalma si Kier. Bakit kailangang makisabay ni Vaughn? I don't wanna be rude but we are in a tight situation.

"Vaughn, mamaya nga,"

"Jes, please-"

"Dude, stop," sa wakas ay humarang na si Deo.

Lumapit na rin sa akin si Margou.

"C'mon, Jes."

Hinatak ako ni Margou. Pilit akong inaabot no Vaughn pero hinarangan na ni Deo. Nilapitan na rin ng iba nilang kaibigan si Vaughn.

Nakalapit ako kay Chloe pero nahagip ko ang paninitig ni Xander sa akin. I tried to smile but his cold stare is what I only got in return.

"Deo, kausapin mo..." Si Kuya Ken sabay turo kay Vaughn na kinakausap na rin ngayon. Halatang nairita siya sa inasal nito.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now