Kabanata 4

41 2 0
                                    

Kabanata 4

I. Should. Not. Care. At. All

The next day ay maaga kaming nagising dahil sa anunsyo ni manang na nakauwi na sila mommy. Hindi ako agad bumaba nang sabihin na sasabay mag breakfast sila mommy samin dahil sa sugat ko sa kamay. Hindi ito sobrang malala pero alam naman ng lahat na OA si mommy pag dating sa akin.

Nang makita niya ang kamay ko ay agad na umulan ng maraming tanong. Mabuti na lang at naiexplain naman ni Chloe ang nangyari. Though her explanation is clear mukhang hindi parin mapalagay si mommy dahil nasugatan daw ang unica hija niya. Which is ako.

Umabot pa sa puntong kakasuhan daw niya si Dave at si daddy ang hahawak ng kaso pero agad kaming umalma. Hindi ko rin naman naisip na mag press ng charges sa ginawa ni Dave. Alam kong nadala lang siya ng galit at hindi naman niya ginustong masaktan ako. He's been good to us bago pa nangyari ang sa kanila ni Chinky.

Pinakalma rin naman ni Daddy si Mommy at sinabing hindi na kailangan na umabot sa korte. Minsan talaga mahirap kausap si mommy sa ganitong panahon.

"I don't want you hurt. Sa susunod na may mangyari na ganito, please, don't keep it from us," yun ang huling bilin ni mommy bago siya pilit na inaya ni Daddy papunta sa kwarto nila upang magpahinga.

"Nakausap ko na si Kenneth. Siya na raw ang bahala sa sound system and also the lights!" excited na sambit ni Chloe kinahapunan nang nasa sala kami.

Umupo ako sa tabi niya habang sinusuklay ang basa kong buhok gamit ang daliri. Naglilista siya ngayon ng mga kailangan para bukas sa birthday niya. Parang kahapon lang ay isang dosenang rolyo na ng tissue ang naubos niya kakaiyak.

Umalis si Chantal kasama ang boyfriend niya. Ang dalawa ko namang kapatid ay umalis dahil sa mga utos ni mommy at daddy. Umuwi rin muna sila Ayana at Kelsey.

"Foam party diba?" si Travis na kakaupo lang galing sa kusina habang may hawak na bote ng coke.

Umupo siya sa katapat na sofa namin sa tabi ni Xander na busy sa cellphone niya. Nagsiksikan silang dalawa don dahil medyo maliit ang sofa na yun. Sakop na kasi ng tulog na tulog na si Deo ang isa pang sofa.

"Yep," si Chloe ng hindi siya nililingon at patuloy sa pag lilista.

"Is Chinky invited?" tanong Jim at tsaka umupo sa gilid ng sofa na kinahihigaan ni Deo.

"Hell no," si Chloe at agad na sinipat si Jim.

Tumawa si Jim sa reaksyon ni Chloe sabay taas ng dalawang kamay.

"Just asking," aniya.

"Xander, don't invite her kundi papaalisin kita sa party," si Chloe at kay Xander naman bumaling.

Nagtaas siya ng tingin mula sa cellphone niya sa kay Chloe.

"I won't," aniya at sumulyap sa akin bago ibalik ang mata sa cellphone.

"Bahay niya yun tapos siya ang papaalisin mo?" natatawang tanong ni Margou. Natawa rin ako.

"Whatever," bulong ni Chloe at naglistang muli.

Tumulong din ako sa kanya sa pag lilista at pag iisip pa ng mga kailangan. Nabusy na kasi si Margou sa cellphone niya. Pinagkatuwaan naman ni Jim at Xander si Deo na natutulog.

Niluwa ni Jim ang nginunguya niyang strawberry flavored frutos at inilagay iyon sa medyo naka awang na bibig ni Deo.

"What the fuck, Jim?" hindi ko na napigilan dahil sa kalokohan nila kahit na natatawa rin ako.

"Shh.." sinuway ako ni Jim at itinuro si Xander na vinivideo si Deo.

Nagpipigil na rin ng tawa si Travis at Margou pero nakangiwi lamang si Chloe. Lalo pa kaming natawa ng nailulon na ni Deo ang frutos na inilagay sa bibig niya. Ang akala namin ay magigising siya pero gumalaw lang siya at nagpatuloy pa rin sa pag tulog. Ano kayang ginawa nito kagabi at puyat na puyat?

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now