Kabanata 5

45 3 0
                                    

Kabanata 5

Necklace

"Buti nga naka uwi agad ako! I don't wanna miss the awaited party of this summer vacation!"

Umiling ako at padabog na humiga muli sa aking kama bago nagtakip ng comforter. Nagbabaka sakaling pwede akong bumalik sa pag tulog pero hindi iyon pinalampas ni Evan at mabili na hinatak ang comforter.

"Ano ba? Hindi mo ba ako namiss man lang?" maligayang siyang sambit bago humiga sa tabi ko.

"Buti at si brother ang magiging DJ mamaya kaya nakauwi agad kami. Kung hindi nako!" pag papatuloy pa niya.

"Wag ka nga munang maingay," I hissed.

Sinubukan kong agawin sa kanya ang comforter pero hamak lakas niya sa akin kaya hindi ko rin nagawa. Kumuha na lang ako ng isa pang unan at itinakip iyon sa aking mukha.

"Ang sama mo naman! Dito ako agad dumiretso pagbaba na pagbaba ko ng van tapos babaliwalain mo lang ako?" madrama niyang sinabi.

Naiimagine ko na ang expression niya kahit hindi ko pa siya hinaharap. Hindi ako sumagot kaya niyugyog niya ako. Ang aga pero ginaganito na niya ako.

Alas siyete pa lang yata ay kinakatok na ako ng nag susungit kong si kuya Ken para sabihing narito ang kaibigan kong si Evan. Tulog pa ako sa ganong oras dahil bakasyon naman pero dahil nang istorbo siya ay kinailangan kong sapilitan na bumangon. Ayoko naman maiwan siya sa mga kuya ko at baka balian na siya ng buto.

Pinapasok ko siya rito at sinabing bigyan ako kahit na isang oras pa para matulog pero pinaulanan na niya ako ng maraming tanong. Lalo na ng nabalitaan ang tungkol sa sugat ko. Hindi ko iyon naikwento sa kaniya dahil busy siya habang lalo pang nag papa tan ng balat sa palawan.

"Mag iisang oras na ako rito pero hindi ka parin nag kukwento," kahit na nakatakip ay nagawang ko pang umirap.

Kung pinatulog mo sana ako kahit isang oras pa au nabusog ka na sa mga kwento.

"Kung di naman pala tayo makakapag kwentuhan edi bababa na lang ako don sa garahe niyo at papanoorin ang mga kuya mo habang nililinis ang sasakyan nila!" aniya.

Muli ay hindi ko siya pinansin. Hindi ako sumagot kaya nag patuloy siya sa pag papantasya sa mga kuya ko. Kung nandito rin ang mga pinsan ko ay paniguradong maglalaway na siya. Lalo na si Travis na siyang paborito niyang manyakin.

Bakla si Evan. We've been friends since I was in junior high school. Ahead lang siya ng isang taon sa akin pero kaedaran niya sila kuya Ken. Aniya's sakitin daw siya ng bata siya kaya hindi agad nakapasok ng grade 1. Pero ngayon ay Grade 12 palang din siya katulad ko dahil nag hinto siya ng isang taon. Marami siyang kabulastugang ginawa nung grade 12 siya. Madalas papasok ng naka inom o kaya ay nag cucuting. Matalino siya. Kayang kaya niya mag top sa klase at kahit pa sa buong batch ng nagsusunog ng kilay pero sadyang mahilig siya mag laro kaya eto at umulit siya at kaklase ko pa.

Ako lang ata ang nakaka alam na bakla siya. Hindi mo rin kasi agad iisipin na pusong mamon din siya dahil matikas rin ang pangangatawan. Hindi gaanong maskulado pero fit. Pero pag kami nang dalawa ay mas babae pa sakin kumilos. Mas matinis pa ang boses kesa sa akin. Kaya nga manghang mangha ako dahil hanggang ngayon ay hindi siya nahuhuli sa galing niya sa pag acting 'e.

Kasama rin sa group of circles ng mga kapatid at pinsan ko ang kuya niya kaya malaya rin siyang maglabas masok sa kwarto ko. Nung una ay umaalma sila kuya. Iniisip nila na boyfriend ko si Evan pero dahil nakikita nilang matino naman si Evan Y hinahayaan na nila. Noon kailangan nakabukas ang pintuan ng kwarto ko pag andito si Evan pero pinag sabihan na ni mommy si Kuya Marcus sa pagiging mas istrikto sa akin at aniya'y mag tiwala na lang sakin dahil si Evan lang din naman ang nag bubukod tanging kaibigan na ipinakilala ko.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now