Kabanata 32

32 1 0
                                    

Kabanata 32

Sumbong

Tahimik akong sumakay sa sasakyan ni Xander. Ganon rin naman siya. Nasa akin ang nanunuring mata ni Margou nang lumabas ako ng bahay. Ang sabi ni Kelsey ay makikitulog pa raw siya hanggang sabado ng gabi dahil uuwi naman na sina tito at tita sa linggo ng gabi.

"Anong oras mo gustong umalis bukas?"

Yun ang unang tanong ni Xander matapos ang ilang sandaling hindi kami nag iimikan.

Halos makalimutan ko na ang Bataan trip namin dalawa. Hindi ko pa alam kung anong ipapaalam ko kila monmy at daddy. Lalo na sa mga kapatid ko.

"H-hindi ko pa alam kung paano ako mag p-paalam..."

Sinulyapan niya ako.

Paano ko sasabihin na aalis kami ni Xander bukas? We're used to going trips together with our cousins. At sa lahat nga ng trips na iyon ay kami ni Xander ang hindi close tapos sasabihin ko na kaming dalawa lang? At dapat ko bang sabihin?

Ni hindi ko nga alam kung anong dahilan ang sasabihin ko kung bakit ako aalis, saan ako pupunta at sino ang kasama ko. Hindi ko maidadahilan na sa mall lang ako pupunta o sa karatig na lungsod lang dahil tingin ko ay tatagal kami ng buong araw ni Xander.

I was drowning with my thoughts about my possible alibi when a warm hand touches mine. Napatingin ako kay Xander.

"Don't think too much about it. Ako na ang bahala. Just pack your things for tomorrow," aniya.

Napataas ako ng kilay. Anong gagawin niya?

"Anong gagawin mo?"

Sumulyap siya ulit sa akin. One hand on mine and another on the steering wheel.

He gave me a half-smile.

"Basta."

Ibinaba niya ako sa kung saan din ako bumaba kahapon. Unlike yesterday hindi ako naglagay ng make up. Kahit pa anong isip ko, wala akong naganda at valid na masabi sa mga nagiging tanong ni Evan sa akin. Ayoko naman mag sinungaling kaya hindi ako sumasagot.

"Hola, mi amore," bati ni Evan ng pumasok ako sa room. Meron ng mga bag na nakalagay sa mga upuan pero siya lang ang mag isang naririto sa loob.

"Oh? Bakit wala ng make-up?" nagtaas siya ng kilay sa akin habang naglalakad ako papunta sa katabing upuan niya.

Pabiro ko siyang inirapan.

"Heard you rejected Vaughn again?" Napatingin ako sa kanya.

"Uh, oo. May lakad kasi... ako bukas," sagot ko.

Humawak sa kanyang dibdin at agad na kumunot ang noo.

"You're skipping classes? At wala kang balak na sabihin sa akin?"

Umiling ako.

"Sasabihin ko naman. Ngayon sana pero naunahan mo lang ako," Nanliit ang mata niya sa akin.

"Saan ka ba pupunta? Kasama mo ang mga pinsan mo?"

Kasama "ang" pinsan ko. Tumango na lang ako. Pagsisinungaling iyon pero hindi 100% na kasinungalingan. Pinsan ko naman talaga si Xander.

Hindi niya naman inusisa ang nasabi kong lakad. Ni hindi na siya nag tanong kung saan ako pupunta at tingin ko mas maganda na iyon kasi hindi ko rin masasagot.

Mabilis namang lumipas ang oras. Nag aayos na ako para sa pagbaba ko ng nang naka tanggap ako ng bagong text kay Xander kasama ang mga nauna niya pang text sa mga nakaraang oras na hindi ko nareplyan dahil sa klase.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now