Kabanata 26

32 1 0
                                    

Kabanata 26

Cart

Hindi ko siya pinababa nang ihatid niya ako sa bahay. Sa lahat ng nangyari sa gabing ito, gusto ko munang mapag isa. Gusto niyang ihatid ako hanggang sa kwarto ko pero hindi ako pumayag.

Buti na lang at hindi ko na siya pinababa pa dahil muntik na akong madulas sa hagdan sa sobrang pangangatog ng tuhod ko. Buti na lang din at naka abot ako sa kwarto. Agad akong humiga sa kama. Ang mga binti ay nakalaglag sa sahig. Napaka lakas ng tibok ng puso ko.

Legit ba ang araw na 'to? Totoo lahat ng nangyari? Lahat ng sinabi ni Xander?

12:30 na nang nakauwi ako. Dapat ay pagod ako at inaantok. Nag ayos kami ng venue kaninang umaga. Tapos sa gabi ay party. Sabayan pa ng lahat ng pag uusap namin ni Xander pero ito ako ngayon at dilat na dilat.

Nagtanggal ako ng make up at naligo. Binuksan ko ang aircon at nagbabakasakaling antukin ako kung mababa ang temperatura sa buong kwarto pero kahit na nakakulob na ko at napaka cozy na ng pakiramdam ko ay dilat na dilat parin ako.

Makailang beses na tumunog ang cellphone ko pero hindi ko pinansin. It's either Chantal or Xander. O kung sino man sa mga pinsan kong babae. Kailangan kong mag isip. At kung hindi man ako antukin ngayon, sasamantalahin ko ang oras na ito.

Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. O kung paano ko pakikisamahan si Xander. I... I do like him. But is this right? Anong susunod na aksyon? Should I act normal around him? Should I distance myself? Ano nga bang inaasahan niya ngayon sa pag amin niya?

At ako? Aamin ako? Should I voice out my feelings too? Isn't that unfair for him? What the fuck should I do? How about our parents? Our family?

Kung hindi alas tres ay baka alas kwatro ng makatulog ako sa pag iisip. Quarter to one na ng magising ako. Ni hindi ako humarap sa salamin ng lumabas ako ng kwarto at bumaba sa salas.

Naroon na si Brent na hawak ang joystick. Nakakalat ang isa kaya mukhang may kalaro siya kanina. Siguro ay isa sa mga kuya ko iyon. Linggo naman at walang klase.

"Morning," bati niya.

Umupo ako sa pang isahang sofa. Pumikit akong muli at isinandal ang ulo sa backrest. Kahit na nakatulog ako ay parang pagod na pagod parin ako.

Medyo nakakaiglip na ako ng makaramdam akong pag kurot sa mukha ko. Agad akong dumilat at bumungad sa paningin ko ang nakakainis na mukha ni Deo.

"Gising na pala ang prinsesa!" halos lamutakin na niya ang buong mukha ko.

Hinawi ko ang kamay niya. Umupo siya sa katabing sofa. Kasunod niyang naglabasan mula sa kusina ang mga pinsan ko. Busangot ako habang nakatingin kay Deo. Siya naman ay ngiting ngiti. Kung hindi ko lang nakita na lumabas rin mula sa kusina si Xander ay di ako mapapabaluktot at magtatakip ng mukha. Nakatingin siya sa akin pero halos ibaon na niya sa dibdib ni Deo ang inabot nitong mineral water.

I peeped between my fingers. Hindi pansin ni Deo ang reaction ko dahil nakatingin siya kah Xander at nakangiwi sa ginawa nito. Wala akong hilamos! Paano kung puro muta pa ako? Ni hindi ako nag suklay!

"Gutom ka na, Jessica?" Napalingon ako kay Kuya Ken na nasa katapat na sofa.

Umiling lang ako pero hindi sumagot. Nagtagal ang tingin sa akin ni Kuya Ken kaya dahan-dahan akong tumayo. Nakatingin din sa akin si Xander. Tinawag ni Travis si Kuya Ken kaya nabaling nga kay Travis ang atensyon niya pero nakita ko naman si Kuya Marcus na nakatingin sa akin.

"Uh... Mag hihilamos lang..." paalam ko kahit na di ko alam kung kanino nga ba ako nag papaalam.

Nagtaas lang ng kilay sa akin si Kuya Marcus. Ito namang si Xander ay pilyong nakatingin sa akin habang nakaupo sa tabi ni Kuya Ken.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now