Kabanata 20

37 1 0
                                    

Kabanata 20

Solo

Naging usap usapan sa mga block ang pag punta dito ni Vaughn even when almost three days had passed. When I said that he express his emotions very obvious it meams that he express it enough for almost the whole campus to know. Hindi na sikreto kaya talagang kahit kagabi ay marami ang nakatingin sa amin.

Nahihirapan naman ako sa pag sagot sa mga tanong nila dahil wala naman talagang namamagitan samin. Nga lang ay kailangan ko parin sumagot. Ayokong may ibang kwento ang mamuo.

Kahit ang mga pinsan ko ay nakiusyoso na talaga. Tuesday afternoon ay nasa bahay na sina Chloe, Kelsey, Margou at Ayana. Walang pasok sa araw na ito ang block namin kaya nasa bahay lang rin ako. Wala rin pasok ang college at hindi ko alam kung bakit. Inulan nila ako ng tanong tungkol sa pag sama ko kay Vaughn at sa paghatid niya sa amin. Even the boys are asking. Ni hindi ko alam na sobrang controversial pala talaga nang panliligaw ni Vaughn sa akin.

"Live na live sa Atty. Vincent Javier residence. Ms. Jessica Javier, ano na nga ba ang latest update sa relation ninyo ni Mr. Vaughn aguirre?" Hawak ni Deo ang hairbrush ko at pilit itong itinatapat sa mukha ko at tila nag sisilbing mic.

Agad ring tumayo si Kier at umarte na para bang camera man. Inilagay niya ang backpack ko sa kanyang balikat, imagining it as a camera.

Narito kami ngayon sa veranda. Nung una ay puro girls lang pero kalaunan ay sumulpot na rin ang mga pinsan kong lalaki pati na sila kuya at mukhang nakielam pa ng gamit ko sa kwarto.

Nakatawang inilapag ni Kuya Marcus ang tray ng iba't ibang sweets at cookies sa center table. Si Travis ang may dala ng juice at si Kuya Ken naman sa mga baso.

"Ano ba, Deo? Ibalik niyo nga 'yang gamit ko sa kwarto," iniwas ko ang kamay niya na nakatapat sa mukha ko kahit na natatawa na ako.

Humagikgik na rin ang mga pinsan kong babae. Agad namang tumayo si Chloe at sinunggaban na ang pagkain kakalapag lang. Ayana went for the juice.

"Naka abot na po ba sa first base?" pagtatanong ulit ni Deo, acting like those annoying reporters in TV's.

Iniwas ko ulit ang mukha ko sa kanya.

"No comment," sabi ko at umupo sa tabi ni Margou na nakatingin lamang sa amin at nakikinig.

Kahit na inulan nila ako ng tanong, tingin ko ay wala naman silang nakuha na ikaka interes nila. Wala naman kasi talagang nangyari. It didn't even met the first base Deo was trying to say.

"Ang showbiz," umirap si Chloe.

Humagikgik ako. Ayaw talaga nilang maniwala.

Magkatabi ngayong nakaupo si Kuya Marcus at Travis na parehong may tinatanaw sa cellphone. Kung di ako nagkakamali ay kay Deo iyon. Seryoso sila pareho at napansin kong sila lang rin itong di nakikitawa sa ginagawang kalokohan ni kier at Deo.

"Last question, Ms. Javier. May pag asa pp ba talaga si Vaughn?"

Napabaling akong muli kay Deo. Hindi ba ito titigil? Natawa akong muli.

"Mr. Reporter, Imbis na problemahin mo ang lovelife ko bakit di mo kaya unahing isipin yung mga nakikiusyoso sa cellphone mo?" kumindat ako bago ngumuso sa banda ng kapatid at pinsan na parang hindi pa narinig ang sinabi ko.

Napatingin tuloy sila Ayana doon. Bago pa makita ni Deo ay nag react na si Kelsey.

"Huy, ano yan ha?" aniya.

Agad namang nilingon ni Deo sila Kuya Marcus. Dali daliang lumapit si Deo sa dalawa.

"Anong ginagawa niyo?"

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now