Kabanata 35

27 1 0
                                    

Kabanata 35

Pancake

Alas dos y media ng hapon nang napag pasyahan namin na bumaba na. Xander put a show when he kissed me on the cheek for our last picture. After he asked the ladies for a picture, hindi ko na ulit sila nakitang lumingon pa.

Tuluyan na ngang umaraw hindi katulad kanina na talagang makulimlim. Mahangin pa rin naman kaya hindi ako masyadong naiirita sa araw.

"Ayaw mo bang mag take picture?" Si Xander nang pababa na kami sa colonnade.

"May mga picture naman na kanina. Ayos na siguro iyon," sagot ko.

Nag stay muna kami sa colonnad. Umupo kami sa doon sa sementong barandilya at tinatanaw lang ang paligid. Buti talaga at konti nga lang ang tao kahit na weekend.

"Alam mo... Minor pa ako." Nilingon ko si Xander.

His eyebrow raised.

"And?"

"Kung magiging boyfriend kita. Dapat pag nag 18 na ako. Kasi kung ngayon pa lang, magiging child abuse yun whether I like you or not."

Maaga kasi akong nag aral kaya mas bata ako kumpara sa mga kaklase. Hindi lang nahahalata dahil matangkad naman ako at hindi baby face.

"Ayos lang. I can wait, Jes. And it is not like magkakaroon ka pa ng ibang boyfriend..." Pinagtaasan niya ako ng kilay. "We have the lifetime for that. No need to rush, baby."

Umirap ako. I said that to tease him. Syempre kahit 17 o hindi ako hindi naman na big deal iyon. Hindi big deal kumpara sa sikretong tinatago namin sa pamilya namin. Pero ito at nakahanap siya ng lusot doon.

Nagtagal kami sa kung saan kami naka upo. Puro asaran at kung anu-anong corny na jokes lang ang sinabi sa akin ni Xander. No wonder girls really like Xander, huh. Hindi lang pala tamaga sa itsura lumalamang. Pati sa pang bobola!

Mag aalas kwatro na ata nang naisipan na namin na umuwi. Mag didinner raw kami pag naka labas na ng Bataan. Maaga pa rin naman para sa hapunan. Nang pababa na kami ng colonnade ay pababa na rin ang kasabay namin bumibisita. Tinignan ko kung nasaan iyong dalawang babae pero hindi ko na nakita.

Habang nagdadrive si Xander pababa ng bundok ay nagpalit ako ng lockscreen picture pati na wallpaper. Pinili ko iyong picture ng kamay namin ni Xander na magkaholding hands. I edited it and made the picture very blur. Gusto ko sana yung picture namin sa baba ng memorial cross pero syempre hindi pwede.

"Anong ginagawa mo?" sumulyap si Xander sa akin.

"Nagpapalit ng lockscreen at home wallpaper." simpleng sagot ko at nagpatuloy sa ginagawa.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkuha niya ng cellphone niya sa ibabaw ng dashboard. Inilapag niya iyon sa hita ko.

"Change mine too. Yung picture natin," aniya.

Nag taas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi pwede. Makikita nila Deo. I edited our picture and blur it." sabi ko at ipinakita sa kanya ang cellphone ko saglit.

"Hindi ko naman ipapahawak sa kanila," aniya at para bang ganon lang kadali iyon.

Umiling ako. "Hindi talaga pwede, Alexander. Isa pa, wala ngang password ang cellphone mo 'e,"

"Then put a password and make our picture my home picture."

Nakatingin lang ako sa kanya. Hmm. Pwede rin.

Pumayag ako. Ako ang gumawa ng password niya. Nahirapan ako sa pag isip ng password. My phone is protected by a passcode of my birthday. Nakaramble lang ang numbers kaya di parin nahuhulaan. Ano kayang magandang combination ng numbers?

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now