Kabanata 7

34 1 0
                                    

Kabanata 7

Late

"Dito ka," aniya at tinuro ang sahig kung saan ako tatayo. Sa tapat ng sink.

Naglakad ako papunta doon. May betadine, bulak at nga gamit pang bandage na sa tabi ng sink. Agad niyang kinuha ang kamay ko at tinanggal ang bandage. Nakasimangot siya at mukhang galit kaya naisip ko na baka madiinan niya ang sugat ko pero hindi. Marahan lang ang hawak niya.

Itinapan niya iyon sa gripo. He washed it with his thumb. Parang may kung ano akong naramdaman ng marealize na naman lambot ng paghawak niya sa akin. Parang nawala ang inis na kanina lang ay sobrang magpairita sa sistema ko.

Pinunasan niya iyon pagkatapos hugasan.

"Ako na," sabi ko pero hindi niya binitawan ang kamay ko.

"Wash your face," malamig niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. Wash my face? May dumi ba? Nilingon ko pa ang salamin sa harap namin para tignan ang mukha ko pero wala namang dumi. Para saan?

"Bakit? Wala namang dumi," sabi ko.

"He kissed you. Wash it away," hindi niya ako tinignan ng sinabi niya iyon.

Then I realized what it means. Iyong kiss ni Vaughn! Pero bakit? E ano naman? Anong pake niya? Umusbong muli ang inis sa akin.

"Bakit ba? Ano naman iyon sayo? Wala namang sakit na nakakahawa si Vaughn kaya bakit ko huhugasan?" naiirita kong baling sa kanya.

Nakayuko siya pero hindi nakatakas sa mata ko ang pag igting ng panga niya. Hindi siya nag salita hanggang sa natapos siya sa kamay ko. At tsaka niya binitawan. Wow. Di ko man lang naramdaman yung hapdi sa pag lagay ng betadine ha.

"So you liked it, huh? Kaya ka ba pumayag?" seryoso niyang tanong.

Itinuko niya ang isang kamay sa counter ng sink. Ang isa ay nasa bulsa.

Now he look pissed. E pake ko? Naiinis din ako!

Pinagtaasan ko lamang siya ng kilay. If this is some other day ay sasabihin kong hindi ko nagustuhan. Hell I didn't even dream of that. Pero dahil naiinis rin ako sa kanya ay hindi ko iyon sasabihin.

"E ano kung nagustuhan ko? It shouldn't be your concern, Xander." Humalukipkip ako sa harap niya.

Lalong naging galit ang expression niya. Ano? Galit ka? Galit din ako! Hindi ko alam kung bakit pero galit din ako kaya wag ka.

"Then date him," he smirked. Pero hindi iyong ngisi na nagagalak. It's like a devil smirk.

I was suddenly at awe of his aura. That smile. That fucking smile. Kahit na hindi totoong ngiti at nakaka... Teka nga! Ano ba to?

Tumawa ako para ibuga na lamang sa hangin ang nadadagdag na iritasyon sa akin at sa isa pang di malaman na nararamdaman.

"I will date him if I want to. Wala kang pake roon, Xander. At kung yun lang din naman pala ang matagal mo nang ikinagagalit ay walang patutunuhan itong pag aaway natin," sabi ko.

Tatalikod na sana ako ng hatakin na naman niya ako. Ito naman! Hitak ng hitak!

"Matagal ko ng ikinagagalit?" nanliit ang mata niya sa akin.

Binawi ko ang braso ko sa kanya. Aba at nag papanggap pa.

"Oo!" asik ko.

"Kelan ako nagalit?" pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Lagi! Sa tuwing nakikita kitang nakatingin sa akin, lagi kang galit! Inaano ba kita? Ano bang problema mo?" hindi ko na napigilan dahil sa sobrang inis ko.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now