Kabanata 37

26 3 0
                                    

Kabanata 37

Sensitive

Bumaba agad ako pagkahinto ni xander sa harap ng gate. Malapit nang tumulo ang luha ko kaya mabilis akong pumasok sa gate nang hindi sila pinapansin.

"Ang aga mo, Jessica. Wala pa ang mga magulang mo at sinamahan ata si Brent sa birthday party ng kaibigan. Si Kendrick naman ay nakina Deo raw," Tumango lang ako sa sinabi ni Manang. Walang tao sa sala kaya maluwag akong naka akyat papunta sa kwarto ko.

Tinakbo ko ang distansya ng pintuan ko sa bintana para makita ang sasakyan ni Xander. Wala na iyon doon. Ang bilis ha. Nagmamadali siguro talaga. Buti na lang at nagpauna na ako.

Totoong may mga assignments ako pero ngayon ay humahagulgol ako rito sa kwarto ko. Kahit na ayaw ko ay nagawa ko pa rin orasan si Xander. 20 minutes have passed and he's still not here. Akap ang unan ay patuloy akong sa pag hagulgol.

Ilang araw na kaligayahan ang naramdaman ko at ngayon ay binabawi na yun. Bakit ba ako umiiyak? Kung tutuusin ay magkadugo si Chinky at Xander. Hindi ko dapat ikaselos iyon. Parang ganon rin naman kasweet sila Chloe o Chantal kina Kuya Marcus, Travis, Deo, Jim o Kuya Ken. O sila Ayana at Kelsey sa iba. Pero bakit tingin ko ay iba lag si Xander at si Chinky.

Pero kahit na anong comfort ang gawin ko sa sarili ko ay tuloy tuloy lang ang mga luha sa pagtulo mula sa mata ko. Nakahawak na rin ako sa aking dibdib dahil sa pisikal na sakit na nararamdaman. Ang init na ng buing mukha ko at kahit tenga ko ay mainit na mainit na rin.

Babalik pa kaya si Xander? O tutuloy na sila sa mall? Siguro bukas na nga lang siya babalik. Baka nahihiya lang siya na sabihin sa akin na sasama siya.

Ilang sandali lang ay humupa na ang luha ko pero natutulala ako. Malagkit ang mukha dahil sa mga luhang patuyo pa lang.

Paano kaya kung ampon lang din si Chinky? Tapos hindi naman namin alam. Pero pag nalaman ng lahat ay maiisip ni Xander na siya pala talaga yung gusto ni Xander. Maybe I'm not really special. Malamig na taea ang naigawad ko para sa sarili. Mababaliw na ako. Kung anu-ano na ang iniisip ko.

Naisip kong lilipas na siguro itong sama ng loob ko. O di kaya ay mababaliwala ko na kung gagawa na lang ako ng assignment at hahayaan mabusy ang sarili. Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Ibinagsak ni Xander ang kanyang bag sa gilid ng study table ko at tsaka isinara ang pinto. Mabilis siya nag tungo sa akin. Kunot na kunot ang kanyang noo samantalang wala akong reaksyon at hindi ko alam kung namamanhin ha ako o ano. Umupo siya sa tapat ko. Ang isang tuhod ay naka sampa sa kama at agad akong dinala sa kanyang dibdib para sa mainit niyang yakap. Nakabaon ang kanyang mukha sa aking leeg. Amoy na amoy ko naman ang mamahaling pabango niya.

"I'm sorry,"

Doon lang ata ako nabalik sa wisyo. Itinaas ko rin ang kamay ko at inakap siya pabalik. Para saan?

Kahit na peke ay tumawa pa rin ako. Akala mo namang naitago ko ang pamamalat mula sa pag iyak.

"Para saan?"

Bumitaw siya ng kaunting lumayo sa akin. Naka hawak ang mga kamah sa braso ko. Pabalik balik ang mga mata niya sa dalawang mata ko at marahang pinalandas ang daliri para punasan ang luhang tingin ko ay halata pa dahil hindi pa sobrang tuyo.

"I'm so sorry, baby,"

Umiling ako. It's on me. Ako ang responsable sa naramdaman ko kanina kaya wala kang dapat na ikasorry.

"Anong sinabi ni Chinky sayo nang bumaba ako?"

Umiling ulit ako.

"Nagtanong lang naman siya. Kayo? Nakapag usap ba kayo? Ang... bilis mong nakabalik," matagal iyon para sa akin pero hayaan na.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now