Kabanata 44

24 1 0
                                    

Kabanata 44

Catch up

Kahit na ayaw ni Xander ay nakuha naman niya ang punto ko. Naisip din niya siguro na hindi nga kami gaanong nag iingat. Sa text at tawag na lang kami mag uusap pag nagsimula ang sembreak ko.

Bumaba ako umaga ng lunes nang nakarinig ng ingay na hindi ko madalas marinig pag weekdays. Only to find my Titas crowding the dining area again. Nasa kabisera si mommy habang naka tapat sa IPad. Naka upo naman sa mga upuan sila Tita Irene, Tita Marianna at Tita Kriselle.

Nagtaas ng tingin sa akin si Tita Kriselle. Aatras na sana ako pero naisip kong kunyari kukuha na lamang ako ng tubig. Naglakad ako sa likod ng inuupuan ni mommy at wala sana akong pakialam sa mga ginagawa nila pero nakarinig ako ng pamilyar na boses mula sa IPad.

"Nakapag book kami ng flight pero hindi aabot sa araw ng anniversary nila mama..."

Napalingon ako doon at nakitang si Tita Loraine iyon. Bumagal tuloy ang lakad ko at medyo natulala pa sa screen. Sumimsim sa kanyang wine glass si Tita. Mukhang gabi na roon. Napilitan rin akong tuluyan na umatras nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Si Jessica ba yun?" Medyo inilapit niya ang mukha niya sa camera.

Napatingin tuloy sa akin si mommy.

"Oo. Bumati ka anak..."

Pumihit ako at medyo lumapit na sa IPad.

"Hi po, tita..."

"Yes, Jessica anak. Ang payat mo ata? Malaman ka nung huling kita natin,"

Ngumiti lang ako. Nagtaas ng kilay si Tita Kriselle kahit na nakayuko siya sa mga papel na ginagawa niya.

"Anyway, Loraine..." Si Tita Kriselle.

Tita Kriselle smiled curtly at me before rotating the IPad so that the camera will see her. Alam kong may halong sarcasm ang ngiti niya. I've been so used to it na alam na alam ko na ang mga ganitong bagay. Hindi ko na lang pinansin lalo na at nakabalik na si mommy mula sa kitchen ay may dala nang meryenda nila.

I excused myself and went to the bar. May nakahanda nang breakfast roon at tahimik akong kumakain. Naririnig ko pa rin ang usapan nila dahil hindi naman din sila malayo sa kinaroroonan ko. I left my phone upstairs so I don't have anything to do while eating. Kahit na ayaw ko ay narinig ko ang usapan nila.

"Our flight will be in saturday this weekend. That's sunday in there kaya hindi talaga kami aabot sa celebration..."

Nabitin ang pag subo ko sa kutsara sa narinig. Uuwi sila dito? Hindi nabanggit ni Xander...

"That's a bad news. Inaabangan pa naman ni mamu na maicelebrate ito kasama kayo,"

I heard Tita Loraine's deep sigh.

"It is. It's the last week of november. Punuan ang flights. Nakausap na ni Alejandro si Mama at Papa..."

"I'm sure they're upset, Lori." si Tita Marianna.

"Anong sabi nila?" si mommy. "Ayaw namin na mastress pa si mama kaya kami ang umaasikaso ng lahat..."

"Hindi ko pa natatanong si Alejandro. I left while he was talking to papa. Kakauwi ko lang bago sumagot ng tawag niyo. I'll call him..."

Patapos na sana akong kumain pero binagalan ko. So uuwi sila. It's not even Mamu and Papsi's golden anniversary. At sa pagkaka kwento ni mommy nitong nakaraan hindi naman din sobrang engrande ang magiging selebrasyon. Some family and close friends are invited. Maybe Xander's parents and siblings will celebrate their christmass and new year here?

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now