Kabanata 48

25 1 0
                                    

Kabanata 48

Isang kalabog sa pinto ang nagpagising sa akin kinabukasan. Isang bagay na hindi ko naranasan ng ilang linggo. Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga ko. Nataranta kasi ako sa agresibong pagkatok.

Mabilis kong binuksan ang pinto. Hindi ko pa man din nakikita ang kumakatok ay agad na may umakap sa akin. I was taken aback kaya hindi nakabawi. Then a hand shook my hair. Doon ko naaninagan si Kuya Aiden na nakangiti sa akin. Doon ko lang narealize kung sino ang kaakap ko.

I equalized the hug.

"I missed you!"

Bumitaw sa yakap si Ate Ysa. Her ocean blue contacts are very evident. Her blonde hair is screaming indifference. The only thing that didn't change is her smile.

"I missed you too, Ate. Bakit kayo nandito?"

Napasulyap ako kay Xander na nakasandal sa barandilya ng second floor at tinatanaw kami habang nakakrus ang bra braso sa dibdib.

"Sorry ginising na kita. Sobrang excited lang ako! Hindi ko pa kasi nakikita yung iba dahil puro busy. Ikaw walang pasok?"

Umiling ako. "Sembreak pa namin kaya dito lang ako sa bahay-"

"Good! Then you can come with us! You know para makapag catch up?" she smiled excitedly at me.

"Ysa, usapan hindi siya aayain..."

Napakunot ang noon ko kay Kuya Aiden. Hindi ko gets. Napasulyap ulit ako kay Xander at nakitang papalapit na siya.

"I know pero I want to catch up din kasi." Sumimangot si Ate Ysa.

"Bakit, saan ba kayo pupunta?"

"Kila Mamu. Pwede ka ba? Sama ka na. I miss them too pero boring dun 'e." She looked at me with pleading eyes.

Nablangko ako. Ayokong masira ang mood ni Mamu pag nakita ako. Paniguradong namimiss biya ang mga apo niya at masisira ko lang din ang mood nila.

"Ysa, wag na. You know the situation..." malahulugang tumingin si Kuya Aiden sa kapatid.

Saglit silang nagkaroon ng starring competition bago bumagsak ang mga balikat ni Ate Ysa at malungkot na tumingin sa akin.

"Alright. But we will catch up ha?"

Tumango ako.

"Oo naman, Ate. For now enjoy Mamu's company muna," I smiled at her.

Buti na lang at nakumbinsi si Ate Ysa na wag na akong sumama. Syempre gusto ko na kasama siya pero mas magandang sila muna nila Mamu ang mag bonding.

Dahil hindi ko pwedeng kausapin si Xander tinext ko na lang siya pagka alis nila. Kung may ibang paraan lang pwera sa text at tawag, ginawa ko na. Aaminin kong namimiss ko na rin siya. Namimiss ko na ang paghatid at sundo niya sa akin.

Maliban sa biglang pagbisita ni Ate Ysa, wala naman nang nangyari sa araw na iyon. Inabangan ko na lang na maghapon. Naka handa na ako nang dumating si Evan. Nagsusuot na lanh ako ng sapatos nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniliwa nun si Evan.

"Nasa baba na si Basti at Penny. Hinihintay tayo! Akala ko pa naman biro lang na sasama sila. Mukha kasing masungit yung Basti 'e..."

Umirap ako. Sabi na nga ba at type niya nga ang lalaking iyon.

Nagrarant sa akin si Evan bago kami bumaba. Tipo niya si Basti kaya ganado sa hapon na ito. Goodluck na lang mamaya kung anong gagawin niya habang nag johogging kami.

Totoo nga na nasa baba na ang magkapatid. They are both stretching in front of their gates. Nang lumabas kami ay agad kaming natanawan. Onting batian ang nangyari. Ganadong ganado si Evan habang nakikipag kwentuhan. Kung sa bagay sanay siyang makipag socialize ng ganito kabilis.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora