Kabanata 28

33 2 0
                                    

Kabanata 28

Love

Nilock ko agad ang pinto sa takot nab aka pumasok dito si Xander. I ruined the day. I know that pero hindi ko kaya makipag tiisan at Makita lang siya doon na may kausap na iba. Hindi ko masikmura. Hindi tama pero hindi ko mapigilan. Maybe I should really distance myself from him. Walang patutunguhang tama ito.

Umupo ako sa swivel chair sa tapat ng study table ko. Itinuko ko ang mga siko ko roon at sinalo n g mga palad ang kamay ko. Everything is going out of control. Hindi na ako nasusunod sa kung ano dapat ang maramdaman ko. I’m like a slave of my feelings.

Narinig ko ang pag pihit ng pintuan kaya napasandal ako sa kinauupuan ko. It must be Xander.

“Jes, can you open the door?” aniya sa kabila ng pintuan.

Hindi ako sumagot. Pwede bang iwan na muna niya ako? Hindi at nagfu-function ng tama ang utak ko pag andiyan siya ‘e.

“Jes,” tawag niya ulit habang kinakatok ang pinto.

I remained silent.

Tumahimik saglit. Tapos ay may narinig na naman akong mga yapak.

“Nag-away na naman kayo? Maayos naman kayong umalis kanina, ha?” si Deo.

“Hindi kami nag away,” iritadong sagot ni Xander.

“You pissed her?”

“I don’t know… Jes, mag-usap tayo,” muli siyang kumatok sa pinto.

Nanatili lang akong nakaupo doon. Nandiyan si Deo. Kung di ko siya pag bubuksan ay baka isipin pa nilang lahat na nag aaway na naman kami. Pero kung bubuksan ko naman ay papasok siya dito at dito niya ako kakausapin. Ano naman ang sasabihin ko? Na nag… seselos ako? Ugh!

Napalitan ang marahang pag katok ni Xander ng mas mabilis at mas madiin.

“Jessica! Mag usap na kayo nito. Baka mamaya ay maihi ma ito sa pants niya,” bakas sa boses niya ang pagkakatuwa sa sitwasyon na ito. Can’t take anything serious, Deogracias?

“Big help, dude. Sobra.” Si Xander.

Kahit na nasa kabilang pinto ay narinig ko parin ang pag bulong ni Xander sa tingin ko at tumatawang si Deo.

"Umalis ka na, dude. I really need to talk to her," mahinang sambit ni Xander.

Wag na tayo mag usap please?

"Lagi mo kasing iniinis..." mahinang sagot ni Deo bago inihiyaw ang "Tapos gusto naman laging nilalambing!"

Humagalpak sa tawa si Deo. Nanlaki ang mata ko. Ganon ba ang iniisip nila? Na nag papalambing ako? Sa tuwing ganito? Ano pa kaya ang naiisip nila? Alam rin kaya nila ang naratamdaman ni Xander.. er.. para sa akin?

Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako. Mariing nag mura si Xander at pina alis si Deo na tumatawa parin. Iang sandali lang ay tumahimik na.

"Jes," kumatok ng mahina si Xander. Of course he's still there.

"Can we talk?" parang may tumutusok sa puso ko nang narinig ko ang namamaos niyang boses.

Bumuntong hininga ako. Wala akong laban. At di ko alam kung saan ako dadalin nito.

Pinihit ko ang doorknob para bumukas iyon pero hindi ko binuksan ang mismong pinto. Lumakad na ako palayo doon at umupo sa dulo ng kama ko. Bumukas naman iyon at pumasok si Xander.

Kinabahan ulit ako. Titig na titig siya nang lumapit siya sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Sobrang dikit niya kaya medyo lumayo ako. Hinayaan niya naman ako.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now