Kabanata 22

32 2 0
                                    

Kabanata 22

Catch up

Tingin ko ay mababaliw na ako. First thing I feel so uneasy and now that we are on our way back to my house, nangingiti naman ako. But I think my expression does not reciprocate Xander's expression. He said nothing when I got out of the car. Mabilis lang niyang pinaharurot ang sasakyan at hindi na nag paalam. Narito pa ang mga sasakyan ng mga pinsan ko dahil alas syete pa lamang ngunit umalis na siya.

Natameme ako dahil dun. I was expecting that he would... Umiling ako. It's okay. Paalam lang naman yun. Okay lang na hindi na. Ang katiting na saya kanina sa aking sistema ay tuluyan ng nawala habang nag lalakad ako papasok sa bahay. Malayo pa lamang sa front door ay rinig ko na ang ingay. Tahimik akong pumasok doon. Hindi nila ako napansin hanggang sa lumapit ako.

Si Deo ang agad na nakakita sa akin. Tumingin siya sa pinto bago ibinalik ang mata sa akin.

"San si Xander?" tanong niya.

"Umalis na," sabi ko at umupo sa tabi ni Brent na may hawak na joy stick at tutok na tutok sa TV. Kalaro niya si Kier kaya hindi niya ako napansin.

Pagkasagot ko rin sa tanong nj Deo ay nasa akin na halos ang atensyon nila. Si Kier at Brent lang ang di humarap dahil busy sa XBox.

"Agad? Bakit di bumaba?"

"Nag away kayo?"

"May pupuntahan daw ba?"

Nag sunod-sunod ang tanong sakin ng mga pinsan ko. Aba, ako nga walang idea kung bakit ganon na lang siya kabilis umalis e'. Tapos tatadtarin pa ako ng tanong?

Bumuntong hininga ako.

"Hindi ko alam, Deo. Hindi kami nag away, Kels. Wala rin siyang sinabi, Chloe." sunod-sunod ang sagot ko sa mga tanong nila.

"Text mo nga," Bunaling si Travis kay Kuya Marcus. Agad namang kinuha ni Kuya Marcus ang cellphone niya at nag tipa.

"Baka magkikita lang sila ni Chinky. OA niyo naman," si Chloe at humalukipkip.

Magkikita nga ba sila? I don't remember Xander leaving me to see Chinky. Kadalasan ay ako pa ang nag tutulak sa kanya paalis. Kaya nakasisigurado ako na hindi yun ang rason.

Talaga Jessica? Sigurado ka? Masyado ka atang nakampante.

Hindi naman na sila nagtanong pa. At dahil walamg gagawin ay nanuod na lang ako habang naglalaro si Kier at Brent ng racing game. May ilang panahon na natatawa akk sa pagta'trashtalk ni Kier kay Brent sa tuwing napagiiwanan ito. Si Brent naman ay tahimik lang na lumalaro. Lalo pa kasing nati'trigger si Kier dahil sa mga side comments ni Kuya Ken at Deo.

"Weakshit, Kier. Daig ka ng 10 years old na bata," si Kuya Ken at humagalpak sa tawa.

"Shut the fuck up," si Kier at tutok na tutok pa rin sa laro.

Sunod-sunod na mahihinang mura ang binitawan ni Kier ng sa huli ay si Brent parin ang nanalo. Ayana yelps as she cheered for my youngest brother. Padabog namang ibinaba ni Kier ang joy stick sa center table bago tumayo mula sa pagkakaupo sa carpet at tumabi sa kay Margou sa sofa.

"Ayoko na," si Kier.

"Oh? Akala ko ba tayo ang susunod? Tara na. Pustahan kamo 'e," mayabang na hamon ni Travis.

Nagtawanan kami lalo na ng tumaas ang middle finger ni Kier. Kaya ayun at nalunod siya sa pang aasar ng mga lalaki.

Habang nagkakasiyahan ay bumaba si mommy at agad akong tinawag.

"Nakita mo na ang gown mo?" aniya.

Tumango ako. "Makukuha raw po sa isang araw," sabi ko.

"Tapos na, Jes? Yung amin ni ate nakuha na namin," si Chloe.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now